Epilogue

46 1 0
                                    

Epilogue

“Sa wakas graduate na tayo!”

Mami-miss ko kayo!”

“Walang kalimutan, hah?”

Magkikita-kita pa naman tayo, eh!”

Hindi ko napigilan ang pagsilay ng matamis na ngiti sa ‘king mga labi habang inililibot ng tingin ang buong paligid. Kasabay ng paghagis namin ng puting sumbrero ay ang samot saring reaksyon at sigawan ng iba pang mga estudyante na kasabay kong nagtapos.

Another journey in our lives has finally come to an end. Pero kasabay ng aming pagtatapos ay ang pagbubukas ng panibagong daan na aming tatahakin. Mas malubak, maraming liko-liko at hintuan.

Ngunit kahit ganoon ay alam kong muli naming malalampasan ang lahat ng ‘yon.

“Besty! Graduate na tayo!” Muntikan na akong matumba nang bigla na lang akong sinugod nang mahigpit na yakap ni Bea.

Hindi ko napigilan ang matawa nang dahil sa inasta niya. “Kaya nga. Congratulations sa ‘yo, Ms. Valedictorian!” I tap her back.

Kumalas ito sa yakapan naming dalawa. Maluha-luha ang kanyang mga mata. Bakas ang hindi maipaliwanag na kasiyahan sa kanyang mukha. “Thank you!”

I’m so proud of her. Wala naman kasing duda na magagawa niyang abutin ang posisyon na kanyang narating. Perfect ang lahat ng mga naging exams niya. Mahilig din ito sumali sa mga extra curricular activities. Isa rin ito sa madalas na kuning representative sa mga ginanap na quiz bee competition at kung anu-ano pa. Most of all, she’s always been the top student in our class. That’s why she really deserved what she got.

Salutatorian naman ang presidente ng student council na si Drew. Habang pasok naman sa listahan ng honorable students si Tristan bilang top one at si Bryan bilang top three.

Ilang sandali pa ay nagsilapitan na rin sa ‘min ang iba pa naming mga kaibigan. Halo-halo ang ekspresyon na makikita sa kanilang mga mukha. Mayroong masaya, malungkot at naiiyak.

“Congrats sa ‘tin, guys! Group hug!” sigaw ni Francis at nagsimula na nga silang dumugin kami. Nakiyakap din sina Alice at Gio na akala ko ay hindi na makakarating.

Napangiwi naman ako nang dahil sa higpit ng pagkakayakap ni Francis sa ‘kin. Ito kasi ang nasa kanan ko habang nasa kaliwa ko naman si Tristan.

“Hey! Get off of her! She can’t breathe, you asshole!” singhal ni Tristan kay Francis. Nalintikan na. Napansin pala niya.

Nagtawanan ang lahat bago kumalas sa nakamamatay na yakap. “Ang damot mo naman! Para nakiki-share lang dahil ako lang ang walang partner dito. Sa ‘yo na nga lang, Bea.” Baling niya kay Bea at akmang yayakapin ito nang biglang hawiin ni Bryan ang kanyang mukha.

“Back off! Doon ka sa Shaira mo!” Mabilis na pinalibot ni Bryan ang braso sa balikat ni Bea.

“I don’t share, you jerk! Hintayin mo na lang ang fiancée mo.” Matalim ang tingin na ibinigay ni Tristan kay Francis.

Bigla namang sumimangot si Francis. “Fiancée, my ass. Wala siyang maaasahan sa ‘kin sa oras na umuwi na siya rito.”

Napangisi naman ako. “Trust me. You’ll swallow your words someday.”

Nagkibit balikat naman ito. “Whatever. Basta enjoy single life muna ako ngayon.”

Napailing na lang kaming lahat sa sinabi niya. Enjoy single life raw pero palagi namang nagrereklamo sa tuwing may lakad ang buong barkada dahil pang 9th wheel ito.

Tristan, the Rebel Guy (Published)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon