Chapter 17

26 0 0
                                    

Chapter 17

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga impormasyon na nalaman ko ngayon. Bakit hindi ko man lang napansin ang lahat ng ‘yon?

Bea shrugged. “Sina Drew at Francis nga ang tinutukoy ko. Pero mas pinili ko na lang na manahimik at maging masaya para sa ‘yo. Saka ayoko rin naman na maguluhan ka pa,” pagpapatuloy pa niya na para bang nabasa niya ang laman ng isip ko. Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko ang mahinang pagmumura ng dalawa.

“Nagawa kong palampasin ang tungkol doon dahil kaibigan kita. Saka naisip ko rin na lalaki lang naman ‘yon at bata pa naman tayo. Dapat ay hindi ko muna sineseryoso ang buhay pag-ibig. Pero magmula noong lumipat dito si Tristan ay biglang nabuhay ang anumang nararamdaman ko para sa kanya na akala ko ay matagal ng nawala at muli akong nagkaroon ng pag-asa na makukuha ko na siya sa pagkakataong ito.”

Malalim itong humugot nang malalim na hininga. “I thought that maybe he’s really the one for me. Na hindi talaga sina Drew o Francis ang nakalaan para sa ‘kin.”

“But I was wrong. I saw the way he looks, treats and talks to you. It’s something different and special. Siguro hindi mo napapansin ‘yon dahil nakatuon lang ang atensyon mo sa pagtatalo n’yong dalawa. Doon na nagsimulang umusbong ang galit ko sa ‘yo. But I don’t want that kind of feeling, because I know that it’s not your fault if you’re the one they like.”

Sa pagkakataong ‘yon ay muli itong humarap sa ‘kin at nag-angat ng tingin. “Pero hindi ko pa rin naiwasan na paulit-ulit tanungin ang sarili ko na bakit palagi na lang ikaw? Lahat na lang sila ikaw ang gusto! Kailan ba magiging ako naman?” Muli itong napahagulgol.

I want to comfort her. I want to hug her. But I stay still. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Nandoon ang awa, guilt at sakit. Pero hindi ko rin maitatanggi ang malaking tampo ko sa kanya. I never thought that a time would come when she’d think of me as her rival.

“Then I saw him kiss you. I was so jealous! Mas nauna ako na makilala siya. Pero bakit ikaw ang una niyang napansin? So without even thinking twice, I took a picture of that scene because I was holding my phone by that time and asked someone’s help to spread that photo all over the school.” Kahit alam ko na ang tungkol doon ay napasinghap pa rin ako nang dahil sa sinabi niya.

Ito kasi ang kahuli-hulihang tao na pag-iisipan ko na maaaring gumawa ng bagay na ‘yon.

Yet, I was wrong.

“A-Alam ko rin kasi na sa oras na makita ‘yon ni Rian ay ito na mismo ang susugod sa ‘yo. At ‘yon ang inasikaso ko noong gabi pagkatapos kong idaan sa inyo ang mga naiwan mong gamit sa playground.”

I covered my mouth with both of my hands as I shook my head. Kahit pa narinig ko na ang tungkol sa bagay na ‘to ay hindi ko pa rin magawang maniwala na nagawa niya talaga ‘yon sa ‘kin!

“Fuck!” I heard Bryan cuss once again. Napahilamos naman ng mukha si Drew habang napasuntok naman sa pader si Francis.

Hindi na ako nagulat sa mga naging reaksyon nila. Ang ipinagtataka ko ay ang pananahimik ni Tristan na para bang balewala lang sa kanya ang mga narinig niya.

“A-Ako rin ang may kagagawan ng nangyari sa ‘yo sa shower area at sinadya ko rin ang pagpapapunta kay Bryan sa bahay n’yo noong nagkasakit ka. Nakita ko kasi ang kotse ni T-Tristan malapit sa labas ng bahay n’yo. Noong mga oras na ‘yon ay alam ko na bababa rin ito para puntahan ka. Siguro ay naghihintay lang ito ng tiyempo,” nauutal niyang sabi. Maybe guilt is now consuming her. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko pa ba siyang kaawaan o ano.

Nagtatanong ang mga mata na nilingon ko si Tristan. Pero iniwas lang niya ang tingin sa ‘kin. Nanlaki naman ang mga mata ko nang may bigla akong maalala.

Tristan, the Rebel Guy (Published)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon