Chapter 19

35 1 0
                                    

Chapter 19

Today is a great and busy day.

Malamig na ang simoy ng hangin. Iba’t ibang himig na rin ng pamasko ang maririnig sa paligid. Kumukuti-kutitap ang mga christmas lights na nakasabit sa bawat tahanan at mga christmas tree na animo’y nakikisaliw sa himig ng musika. Iba’t ibang klase ng putahe ang iniluluto at inihahanda para sa espesyal na araw mamaya. Siyempre pa ay hindi mawawala ang mga regalo na nakapaloob sa makukulay na pambalot.

Napatungo ako upang sipatin ang relo na nakasabit sa kaliwa kong bisig. Ilang oras na lang ay pasko na. Parang kailan lang. Ang bilis talaga lumipas ng panahon.

Isang linggo na rin ang nakalilipas magmula ng dumating kami sa rest house namin dito sa Batangas. Napagkasunduan kasi ng mga magulang ko na rito idaos ang darating na kapaskuhan. Bihira rin kasi ang pagkakataon na nagkakasama-sama kami sa ganitong klase ng okasyon. That’s why they want that special day to be memorable this time.

Tristan is also here with us. Wala pa rin kasi ngayon sa bansa ang mga magulang niya. Sa totoo lang, magmula ng magkaayos kami ay hindi ko pa rin muling nakikita ang mga magulang niya. Our friends will also join us, too, because we’re going to spend Christmas together.

“Sammy!”

Napatakip ako sa magkabila kong tainga nang dahil sa lakas at sabay-sabay na sigaw na aking narinig. Muntik pa akong mapatalon dahil sa gulat. Nakatalikod kasi ako mula sa direksyon ng pintuan at inaayos ang mga regalo sa ilalim ng christmas tree. Kaya hindi ko namalayan ang pagdating nila.

Nakapameywang ko silang hinarap. “Ang iingay n’yo! Sa susunod nga kumatok man lang kayo muna! Hindi ‘yong bigla-bigla na lang kayong nanggugulat diyan.” I can’t help but roll my eyes at them.

“Oh. Nandiyan na pala kayo. Sam, asikasuhin mo muna ang mga kaibigan mo,” Mom said as she popped her head from the kitchen.

“Ako na po ang bahala sa mga ‘to.” Pinandilatan ko sila. “Bakit ngayon lang kayo?”

Dali-dali naman silang pumasok dito sa loob at nagkanya-kanya ng upo sa couch. Feel at home agad. Ganyan talaga ang mga kaibigan. “Ikaw naman! Ang sungit mo masyado. Hindi naman bagay,” Rian said, then rolled her eyes at me.

Nanlalaki ang mga mata na binalingan ko naman si Drew. “Hoy, Drew! Bantayan mo nga ‘yang girlfriend mo at baka kung ano ang magawa ko riyan.”

Tatawa-tawa na sumaludo sa ‘kin si Drew. “Yes, Ma’am!”

You heard it right. Rian and Drew have been together for almost a month now. Ang dami ngang nagulat, eh. Sino ba namang hindi?

Nakangisi namang tumabi at umakbay sa ‘kin si Bea. “Ang init naman ng ulo natin. Kung kailan naman magpapasko ay saka ka pa naging highblood diyan. Sige ka. Papangit ka niyan.”

Sinamaan ko ito ng tingin bago inaalis ang pagkakaakbay niya sa ‘kin at siniko ito sa tagiliran. “Ang bully mo na talaga!” reklamo pa niya. Ako pa ngayon ang bully?

Nakanguso na hinarap niya si Bryan na bukod tanging nakatayo sa hamba ng pintuan. “Bry, oh! Sammy is bullying me!”

Napangisi ako. Ang OA naman nito mag-react. Binatukan ko nga.

“Bry! Wala ka man lang bang gagawin?” Sumbong na naman niya. Para itong bata. Pakiramdam ko nga ay nagkapalit na kami ng ugali, eh.

Nagsimulang maglakad si Bryan papunta sa kinatatayuan namin. Tumigil ito sa tapat ni Bea at mahinang tinapik-tapik ang ulo nito. “Kasalanan mo naman kasi.”

Sinamaan ito ng tingin ni Bea. “Gano’n? Puwes wag ka ng umasa na sasagutin pa kita!” she said, then went straight into the kitchen.

Bryan’s eyes widened. “Wait! I’m just joking!” Natatarantang hinabol niya si Bea.

Tristan, the Rebel Guy (Published)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon