MISSION WITH GRAY-SAMA

161 8 8
                                    


Hindi naka-uwi si Juvia sa Fairy Tail Guild ng umalis sila ni Lyon. Napilit kasi siya ni Chelia at Sheryl na sa Lamia Scale na lamang matutulog, hindi niya na nakagawa pang magpaalam sa kanilang master.

******

Nang makauwi na si Juvia ay sinalubong siya ni Mira. Hinahanap daw siya ni Master Makarov dahil may misyon siyang gagawin. Bago pumunta sa silid ni Master ay pumasok muna si Juvia sa kanyang kwarto. Kasalukuyan siyang nakaupo sa harap ng kanyang tokador ng mapansin niya ang binigay ni Gray na rosas sa kanya. Nalalanta na ito at sa tabi ng bulaklak ay ang masayang larawan nilang dalawa ni Gray. Pareho silang nakangiti ng malapad sa larawang iyon.

"Gray, sana tulad pa rin tayo ng dati. Yong ako ang una mong hinahanap at gusto mong makasama. Gray, sana hindi na lang kita minahal para hindi na ako umasa pa at sana hindi ako nasasaktan ng labis ngayon. Gray, mahal na mahal kita kahit kapatid at matalik lang na kaibigan ang turing mo sa'kin." Lumuluhang wika ni Juvia habang hawak ang lantang rosas na binigay ni Gray.

Naligo at nagbihis si Juvia pagkatapos ay pumunta na siya sa silid ni Master at kumatok.

"Pasok!" Ang narinig na sagot ni Juvia kaya binuksan niya ang pinto, ng makapasok ay nagulat pa si Juvia dahil nasa loob din si Gray. Ngumiti lamang sa kanya si Gray ng mapansing nakatingin siya sa lalaki.

"Master, pinapatawag niyo daw ako." Ang wika ni Juvia ng tuluyan ng makapasok sa silid.

"Oo Juvia, may misyon kasi akong ibibigay sayo, ay hindi, sa inyo pala." Ang nakangiting sagot ni Master Makarov.

Nakaramdam naman ng kaba at kasiyahan si Juvia, saglit niyang sinulyapan ang naka-ngiting mukha ni Gray.

"Sino pong makakasama ko?" Ang tanong ni Juvia.

"Si Gray, malaki ang maitutulong niya sa misyong ito. Tutal at perfect combination naman ang kakayahan niyo, Water Mage at Ice Mage. Madali lamang pagsamahin at gumawa ng malakas na kapangyarihan kapag perfect combination ang kakayahan ng isang Wizard." Ang paliwanag ni Master.

"Hi Juvia, sa wakas magkakasama na din tayo sa isang misyon. Matagal ko ng gusto na makasama ka sa isang misyon, salamat naman at natupad na rin sa wakas." Ang nakangiting wika ni Gray at inakbayan si Juvia.

Ngumiti na lamang ng tipid si Juvia.

"Eh? Master, kailan ba kami mag-uumpisa sa misyon na yan?" Ang nakayukong tanong ni Juvia.

"Ngayon na mismo Juvia, maghanda ka na ng iyong mga kagamitan. Hihintay ka ni Gray." Ang sagot ni Master.

"Gusto mo bang tulungan pa kitang mag-ayos Juvia? Tapos na kasi ako sa mga gamit ko." Nakangiting anyaya ni Gray sa kanya.

Umiling na lamang si Juvia at ngumiti ng pilit.
"Wag na Gray, salamat na lamang. Hintayin mo na lang ako sa labas. Master, mauuna na ako." Ang wika ni Juvia at humakbang na paalis sa silid na iyon.

Nang makalabas si Juvia ay napalitan ng lungkot ang matamis na ngiti ni Gray. Nalulungkot siya sa malamig na pakikitungo ni Juvia sa kanya.

"Master, lalabas na din ako. Maraming salamat dahil pinagbigyan mo ako sa kahilingan ko." Ang malungkot na wika ni Gray.

"Walang anuman Gray, basta gawin mo ang lahat kung maaari wag mong sayangin ang pagkakataon na ito. Naniniwala akong magiging masaya ka rin lalo na sa piling niya. Wag ka sanang paghinaan ng loob. Kung ano man ang mangyari naniniwala akong maiintindihan ka ng iyong kaibigan." Ang nakangiting wika ni Master Makarov at bahagyang tinapik ang kanyang balikat.

******

Malungkot na nililigpit ni Juvia ang kanyang mahahalagang gagamitin sa kanilang misyon. Hindi niya maiwasang malungkot dapat nga ay masaya siya dahil makakasama niya si Gray ngunit hindi niya magawang sumaya dahil sinabi niya na sa kanyang sarili na kakalimutan na ang pagmamahal kay Gray kahit napakasakit para sa kanya.

HIS BESTFRIEND (Juvia Lockser and Gray Fullbuster Love Story)Where stories live. Discover now