ANG KATOTOHANAN

207 7 0
                                    

Palabas na si Juvia ng kanyang kwarto ng mapansin niyang nakatayo sa katabing pinto si Gray. Nakapikit pa ang lalaki kaya hindi alam ni Juvia kung napansin ba nitong lumabas siya sa kanyang silid. Nilapitan na lamang niya ito at tinanong.

"Gray? anong ginagawa mo dito? Ang aga pa ah." wika ni Juvia ng makalapit na kay Gray.

"Juvia, ikaw pala. Magandang umaga!' nakangiting bati ni Gray sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? kumain ka na ba?" tanong pa ni Juvia.

"Wala pa eh. Inaabangan nga kitang lumabas dahil gusto kong sabay tayong kumain ng agahan. Baka kasi nagtatampo ka na sa'kin dahil hindi ko natupad ang pangako kong sabay tayong kakain ng agahan. Pasensya kana ha, busy lang kasi ako pero wag kang mag-alala di kita nakakalimutan. Ikaw kaya ang bestfriend ko." nakangiting wika ni Gray.

Natawa na lamang si Juvia dahil sa sinabi ni Gray.

"Bakit naman ako magtatampo sayo? Hindi ko kayang magtampo sayo Gray." Mahinang wika ni Juvia.

"Salamat Juvia, Tara. Kumain na tayo, naghanda ako ng masarap na pagkain. Ako mismo ang nagluto para sayo at sa likod na tayo kakain para mas maganda ang lugar." Wika ni Gray at hinawakan ang kamay ni Juvia habang papunta sila sa likurang bahagi ng Fairy Tail Guild.

Habang naglalakad ay nakikipagkwentuhan si Juvia kay Gray.

"Gray, wala ka bang kukunin na misyon ngayon?" Tanong ni Juvia.

"Wala pa eh, hindi na muna ako tatanggap ng misyon ngayon. Magpapahinga na muna ako." Nakangiting sagot ni Gray.

Nang makarating na sila ay labis na namangha si Juvia. May rosas pa kasing nakapatong sa mesa. Agad niyang tinanong si Gray kung para sa kanya ba ang Rosas na iyon. Nakangiting tumango naman si at iniabot sa kanya.

"Salamat Gray." Nakatinging tinanggap ito ni Juvia at mabining inamoy. Mahilig si Juvia sa mga bulaklak, sa katunayan nga ay palagi siyang laman ng hardin ni Mira Jane. Mahilig kasing magtanim ng halaman si Mira at meron itong mini garden sa likod ng kanilang Guild.

"Kain na tayo Juvia." Wika ni Gray at nilagyan ng pagkain ang Plato ni Juvia. "Magpakabusog ka ha, niluto ko yan para sa napakaganda kong bestfriend." Wika ni Gray sabay kindat sa dalaga.
Natawa nalang si Juvia sa ginawang pagkindat ni Gray sa kanya.

"Nambola ka pa Gray, alam ko naman na ako lang ang napaka-ganda at napaka-sexy mong bestfriend, wala ng iba di ba?" Humahagikhik na wika ni Juvia.

Sabay na lamang silang tumawa dahil sa kanilang pinag-uusapan.
Masaya silang kumain ngunit mas masaya si Juvia dahil sa wakas nagkaroon na ulit ng oras para sa kanya si Gray. Namimiss niya na dating kulitan at samahan nila.

"Sana palagi na lang kaming ganito ni Gray." Wika ni Juvia sa sarili.

Nang matapos silang kumain ng agahan ay nagpasya silang dalawa na magpalipas pa muna ng oras sa lugar na iyon. Nagkwentuhan na lamang sila tungkol sa mga nangyari sa kanila sa nakalipas na mga araw.

"Juvia, may itatanong sana ako sayo." Wika ni Gray.

"Ano iyon Gray?" Tanong ni Juvia.

"Kailan mo ba sasagutin si Lyon. Alam kong matagal ka na niyang gusto at nanliligaw na rin siya sayo. Juvia, alam kong mahal na mahal ka niya at hindi ka niya sasaktan kaya sana bigyan mo ng pagkakataon si Lyon na ipakita sayo ang tunay niyang nararamdaman." Nakayukong wika ni Gray.

"Gray? Bakit mo ito sinasabi?" Malungkot na tanong ni Juvia.

"Dahil alam kong hindi ka sasaktan ni Lyon, Juvia. Siya ang taong magmamahal sayo ng lubusan. Ang taong hindi ka iiwan. Juvia, maniwala ka kung may dapat ka mang mahalin si Lyon iyon." Wika ni Gray habang nakatingin ng deretso sa kanyang mga mata.

HIS BESTFRIEND (Juvia Lockser and Gray Fullbuster Love Story)Where stories live. Discover now