ULAN

628 15 2
                                    

"Umuulan na naman. Hay! Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag umuulan." Ang naka-ngiting wika ni Juvia sa sarili habang tinitignan ang malakas na buhos ng ulan sa labas ng kanyang bintana. Lumipas pa ang ilang minuto at masayang masaya pa rin niyang tinitignan ang buhos ng ulan.

"Juvia!!!" Ang tawag ng kaibigan niyang si Mira Jane.

"Mira! Ikaw pala, buti at nakarating ka na. Kamusta?" Ang nakangiting tanong niya.

"Ayos lang naman ako. Ikaw? Siya nga pala, nasaan si Lisanna?" Tanong ni Mira at umupo sa kanyang tabi.

"Kasama niya si Lucy at Natsu." Sagot ko.

"Saan sila pupunta? Umuulan ah. Naku naman, saan kaya sila pumunta?" Ang nag aalalang tanong ni Mira.

"Hayaan mo na Mira, kasama naman si Natsu eh. Hindi niya pababayaan si Lisanna. Teka, mas lalong lumakas ang ulan, lalabas na muna ako Mira ha, ang sarap magbabad sa ulan eh, gusto mong sumama Mira?" Natatawang tanong ni Juvia at tumakbo na palabas ng bahay.

Siya si Juvia, isa siyang Water mage. May mga kapangyarihan silang magkakaibigan. Myembro sila ng Fairy Tail Guild, isang makapangyarihan na grupo ngunit mababait ang mga myembro. Sumali siya sa grupo na to dahil sa isang taong malaki ang utang na loob niya at lihim niyang minamahal, si Gray Fullbuster.

Napabuntong-hininga si Juvia habang naiisip si Gray. Tinuturing siya ng lalaki bilang matalik na kaibigan at kahit higit pa don ang nais niyang ituring sa kanya ay wala na siyang magagawa pa, nagpapasalamat na rin siya at pinapahalagahan pa rin siya ni Gray.

Nababasa na ng ulan ang buong katawan ni Juvia. Nabigla siya ng may nagsalita sa kanyang likuran.

"Kaya naman lumalakas ang ulan, malungkot kasi ang isang magandang dilag na nasa aking harapan."

Napaharap si Juvia sa nagsalita at napa-ngiti siya ng makita ang naka-ngiting mukha ni Lyon, ang isa sa matalik niyang kaibigan at best friend naman ni Gray.

"Anong ginagawa mo dito Lyon?" Tanong ko.

"Binibisita ang magandang babae." Ang natatawang sagot ni Lyon na basa na rin ng ulan.

"Ako ba yon?" Naka-ngising tanong ko.

"Ikaw nga, may iba pa ba?" Sagot niya.
"Nga pala, si Gray nakabalik na ba?"

"Wala pa eh. Ang sabi ni Master ngayon daw ang balik niya pero wala pa siya eh." Malungkot na sagot ni Juvia.

"Baka may dinaanan lang. Wag kana malungkot Juvia, babalik din si Gray. Mas lalong uulan kapag malungkot ka, ang pangit mo pa naman tignan kapag di ka nakangiti." Natatawang wika ni Lyon.

"Tse! Gusto mo bang makatikim ng Water lock?" Ang natatawang sagot ni Juvia.

"Hahaha.. Ayoko nga, malulunod ako sa tubig mo eh. Tara, pumasok na tayo. Sa loob na natin hintayin ang pagbabalik ni Gray." Wika ni Lyon at inabot ang kanyang kamay kay Juvia.

Naka-ngiti naman itong tinanggap ni Juvia at magkahawak kamay silang pumasok sa Fairy Tail Guild.

Malapit din ang kanyang loob kay Lyon. Alam niyang may pagtingin ito sa kanya ngunit ayaw niyang masaktan ito. Mas nais pa rin niyang maging kaibigan ito at isa pa, si Gray na ang lihim niyang minamahal.

"Gusto mo bang uminom ng kape o tsaa?" Tanong ni Juvia pag pasok nila sa loob ng Fairy Tail Guild.

"Kape nalang. Salamat." Ang nakangiting sagot ni Lyon sabay punas sa kanyang basang mukha.

"Ayan, maligo pa kayo sa ulan. Tignan niyo, mukha kayong mga basang-sisiw." Wika ni Mira sabay abot ng dalawang basa ng kape.

Natatawang umiling na lamang si Lyon sabay tingin at kindat kay Juvia.

HIS BESTFRIEND (Juvia Lockser and Gray Fullbuster Love Story)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora