S-CLASS MISSION

206 12 0
                                    

"Magandang umaga Juvia!" Naka-ngiting wika ni Mira nung lumapit siya sa bar table/counter.

"Magandang umaga din Mira." Naka-ngiting sagot ni Juvia kay Mira at umupo sa harap nito.

"Nagkita na ba kayo ni Master, Juvia?"tanong ni Mira habang nagpupunas ng plato.

"Wala pa eh. Bakit Mira?" Nagtatakang tanong ko.

"May request yata eh at gusto ni Master na ikaw ang kumuha." Naka-ngiting wika ni Mira.

"Ganun ba? Anong misyon kaya yon?" Tanong pa ni Juvia.

"Ewan ko. Hahahaha Hanapin muna lang si master para malaman mo." natatawang sagot ni Mira.

"Mamaya kapag tapos na akong kumain." Natatawang sagot ni Juvia.

Pagkatapos kumain ay hinanap na ni Juvia si Master Makarov. Ang sabi ni Erza ay hintayin na lamang niyo ito dahil may pinuntahan pa kasama ang apo nitong si Laxus.
Habang naghihintay ay nakita ni Juvia si Gray kasama si Lucy. Tinawag naman ng dalaga ang dalawa.

"Gray!!! Saglit." Wika ni Juvia at tumakbo sa gawi ng dalawa.

"Juvia, ikaw pala." Nakangiting wika ni Lucy.

"Ano yon Juvia? May kailangan ka ba?" Nakangiting tanong pa ni Gray.

"Ehh.. Saan ang lakad niyong dalawa?" Nahihiyang tanong ni Juvia.

"Pupuntahan namin si Natsu, gusto mo bang sumama?" Tanong ni Lucy at hinawakan ang kanyang kamay.

"Sumama ka na Juvia." Natatawang wika ni Gray at inakbayan siya.

"Wag na. Hinihintay ko pa kasi si Master eh." Malungkot na sagot ni Juvia.

"Sayang naman Juvia, sige sa susunod na lang ha." Nakangiting wika ni Lucy.

"Mabuti naman para masolo ko si Lucy." Nakangising wika ni Gray sabay kindat sa dalawang babae.

"Gray, anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang wika ni Juvia habang nakatingin ng deretso sa mga mata ng nakangiting si Gray.

"Gray, anong kalokohan na naman to?" Naka-kunot noong tanong ni Lucy.

"Gray? Lucy, anong nangyayari?" Bat nasabi mo yon, Gray?" Malungkot na tanong pa rin ni Juvia. Bakas sa kanyang magandang mukha ang lungkot at sakit na nararamdaman.

"Juvia, wala yon. Wag mong pansinin ang sinabi ni Gray. Loko-loko kasi ang lalaking yan." Nakasimangot na sagot ni Lucy.

"Wahahahahahaha" malakas na tawa ni Gray.

"Biro lamang yon. Di kami talo ni Lucy. Tsaka lagot ako kay Natsu kapag tinalo ko siya." Natatawang wika ni Gray.
Napabuntong hininga na lamang si Juvia dahil sa sinabi ni Gray.
"Akala ko silang dalawa na." wika ni Juvia sa sarili.

"Tsaka may gusto na akong iba, yon nga lang di ko pa masabi sa kanya." Seryosong dagdag pa ni Gray.

Nagkatinginan naman ang dalawang babae dahil sa sinabi ni Gray.

"Ehem! Ehem! Uy, sino kaya yon?" Natatawang tanong ni Lucy.

"Sekreto!" Nakangising sagot ni Gray.

"Ohsya! Masyado kang malihim Gray baka naman maagaw na ng iba ang gusto mong babae, sige ka." Wika pa ni Lucy.

Isang ngiti lamang ang sinagot ni Gray kay Lucy.

"Juvia, aalis na kami ha. Mag-iingat ka dito." Naka-ngiting wika ni Gray at niyakap si Juvia.

HIS BESTFRIEND (Juvia Lockser and Gray Fullbuster Love Story)Where stories live. Discover now