FIORE

196 6 0
                                    

Masayang gumising si Juvia ng maalala ang naging usapan nila ni Gray kagabi, hinawakan pa ni Gray ang kanyang kamay hanggang sa pumasok sila sa kani-kanilang silid ngunit ang masayang mukha ni Juvia ay napalitan ng lungkot ng maalalang si Erza ang piniling samahan ni Gray kaysa tuparin ang pangako nitong sabay silang kakain ng almusal.

"Ayos lang yon Juvia atleast humingi naman siya ng paumanhin sayo at hindi ka niya iniwan kagabi." Wika ni Juvia sa sarili habang patungo sa baba kung nasan naroon ang kanilang kainan. Bilang myembro ng Fairy Tail ay may kanya-kanya silang silid sa loob mismo ng napakalaking Fairy Tail Guild.
Naabutan niyang kumakain na ng almusal sina Natsu, Happy, Lucy, Levy, Lisanna, Cana, Bisca at Alzack.

"Magandang umaga Juvia, tara saluhan mo kaming kumain." Ang naka-ngiting yaya ni Lisanna.

"Sa tabi ka nalang maupo ni Cana, Juvia. Masyado kasing magalaw si Natsu kaya siguradong di ka maka-kakain ng maayos ." sagot ni Lucy.

"Mataba kasi si Lucy kaya ayaw niyang may makatabi." Natatawang wika ni Happy habang ngumunguya ng isda.

"Anong sinabi mong pusa ka? Sinong mataba? Gusto mong masaktan?" Nagagalit na wika ni Lucy.
Natakot naman si Happy sa itsura ni Lucy kaya't humingi ito ng tawad.

Tumawa silang lahat dahil sa reaksyon ni Happy, habang siya ay umupo sa tabi ni Cana. Palinga-linga naman si Juvia. Hinahanap niya si Gray kaya tinanong niya sa mga kasama kung bumaba na ba si Gray at kumain na ba ng almusal.

"Oo, kumain na siya Juvia pero umalis sila ni Mira, pupunta daw sila sa bayan para bumili ng makakain natin." Sagot ni Lisanna.

"Nga pala Juvia, ang sabi ni Gray kapag nagising kana sabihin ko daw sayo na susunduin ka ni Lyon ngayon. Kinausap daw ni Lyon si Gray na kung pwede ay samahan mo daw siyang pumunta sa Fiore. Pumayag naman ang bestfriend mo pero di niya nasabi sayo ng harapan dahil nga sinamahan niya pa si Mira. Sasama ka ba kay Lyon?" wika ni Cana.

Nalungkot na naiinis si Juvia. Nalulungkot dahil hindi si Gray ang nagsabi sa kanya at naiinis dahil pumayag ito agad ng hindi man lang muna nagsabi sa kanya. Napa-buntonghininga na lamang si Juvia.
"Oo, sasama ako kay Lyon. Mauuna na ako sa inyo. Ako nalang ang pupunta kay Lyon." Paalam ni Juvia at umalis na.

LAMIA SCALE GUILD

Naabutan ni Juvia sa labas ng Guild sina Jurah at Sheryl. Agad naman niyang tinanong kung nasaan si Lyon.

"Magandang umaga. Nasaan si Lyon?" Ang nakangiting tanong ni Juvia sa dalawa.

"Juvia-san ! Ikaw ba ang kasama ni Lyon papuntang Fiore?" Nakangiting tanong ni Sheryl.

"Ako nga Sheryl. Nasaan na siya?" Tanong ni Juvia.

"Pasok ka muna sa loob Juvia, nasa silid pa niya si Lyon. Hintayin muna lang siya sa loob." Yaya ni Jurah.

"Sige." Sagot ni Juvia at pumasok na silang tatlo sa loob.

Nagkukwentuhan silang tatlo ng mapansin ni Jurah si Lyon.

"Nandito na pala si Lyon, Juvia." Ang wika ni Jurah.

"Pasensya ka na Juvia, napaghintay pa kita. Ang sabi ko kasi kay Gray, ako ang susundo sayo. Pasensya kana talaga Juvia." Nahihiyang wika ni Lyon.

"Ayos lang Lyon, wala naman akong ginagawa kaya ako nalang ang pumunta sayo." Nakangiting sagot ni Juvia.

"Aalis na ba kayo?" Tanong ni Sheryl.

"Ewan ko kay Lyon." Ang natatawang sagot ni Juvia.

"Umalis na kayong dalawa. Mag-iingat kayo ha. Lyon, ingatan mo si Juvia dahil kapag may masamang nangyari sa kanya lagot ka kay Makarov at kay Gray." Paalala ni Jurah.

HIS BESTFRIEND (Juvia Lockser and Gray Fullbuster Love Story)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant