MALIGAYANG PAGBABALIK

263 10 0
                                    

"Juvia, maaari ka bang sumama sa'kin?" Yaya ni Lyon kay Juvia habang naka-upo sila kasama sina Mira, Kinana, Laxus, Freed at Evergreen.

"Uyyyy!" Tukso nilang lahat.

"Sumama kana Juvia, wala ka naman gagawin eh." Sagot ni Mira habang naka-ngiti ng matamis.

"Nga naman, sumama kana Juvia. Si Lyon ang bahala sa'yo." Wika ni Kinana.

"Saan ba lakad niyo, Lyon? Sama ako." Natatawang wika ni Ever.

"Wag kang istorbo, Ever. Hayaan mo sila. Hanapin muna lang si Elfman at ng may kasama ka." Sagot ni Freed habang nagbabasa.

"Eh? Kasi, ano ..." Nag-aalangang sagot ni Juvia.

"Sa Guild lang naman tayo ng Lamia Scale pupunta. Wala kasing kasama si Chelia don eh. Gusto ko sanang don ka na muna magpalipas ng oras." Naka-ngiting wika ni Lyon.

"Uy! Dating place nila yon." Singit ni Mira.

"Ano --- kasi Lyon, di ba dadating si ---" naputol ang pagsagot ni Juvia dahil sa may narinig silang isang sigaw.

"Tumigiiiiiiilll ka!!! Tigilan mo na ako Gajeel. Nakaka-pikon ka na. Hindi ako bata. Matanda na ako. Makakatikim ka na talaga sa'kin." Banta ni Levy na kaharap si Gajeel na masayang-masaya habang nakatingin sa naka-busangot na mukha ni Levy.

"Pandak! Maliit! Bata! Bata!" Natatawang wika ni Gajeel.

"Tumahimik kayong dalawa. Ang ingay niyo, natutulog ako." Sigaw ni Cana. "Magpakasal na nga kayo." Dugtong ni Cana sabay pikit ng mga mata.

"Eww!" Levy.
"Asa!" Gajeel.

"Juvia, sasama ka ba?" Tanong ulit ni Lyon.

"Sana, gusto ko sumama kaso nga lang, kasi .."

"Darating si Gray ngayon kaya di sasama si Juvia sayo." Wika ni Laxus.

"Ay! Oo nga pala. Sayang!" Sagot ni Mira.

"Bat nalungkot ka, Mira?" Tanong ni Laxus.
"Wala lang. Bakit masama ba?" Nakasimangot na wika ni Mira.

"Oo nga pala, nakalimutan ko kaya pala ako nandito dahil dadating si Gray ngayon. Pasensya kana Juvia." Kumakamot ng ulo na sagot ni Lyon.

"Okay lang Lyon, next time nalang ha." Naka-ngiting sagot ko.

"MAY NAKAKA-MISS BA SA'MIN?" Isang boses na nagmula sa pinto ng Fairy Tail Guild. Sabay na lumingon silang lahat sa bagong dating na sina Natsu, Lucy, Lisanna, Erza at Gray.

"Gray, mabuti at nakabalik kana. Kamusta kayo?" Ang naka-ngiting wika ni Juvia at sinalubong ang mga bagong dating.

"Ayos lang naman ako Juvia, Ewan ko lang sa kanila." Ang natatawang sagot ni Gray.

"Bakit magkasama kayo?" Tanong ni Mira.

"Nakasabay namin sila Mira-nee. Nagkita kami sa bayan kaya sabay na kami umuwi." Sagot ni Lisanna.

"MALIGAYANG PAGBABALIK SA INYONG LAHAT. MAGSAYA TAYO. UMINOM TAYO." sigaw ni Cana at tumayo sa ibabaw ng lamesa.

"Antok lang yan Cana. Matulog ka pa." Natatawang sagot ni Natsu.

"Mabuti at ligtas kang nakabalik Gray." Wika ni Lyon at nakipag-kamay sa kanyang bestfriend .

"Salamat bro, nga pala 'bat nandito ka?" Tanong ni Gray ng maka-upo na sila.

"Nabalitaan ko kasing babalik ka na at binibisita ko lang ang isang magandang babae." Sabay tingin kay Juvia at ngumiti ng matamis. Agad namang nag-iwas ng tingin si Juvia dahil namula ang kanyang pisngi.

"Si Juvia ba yong tinutukoy mo?" Natatawang tanong ni Gray.

"Oo, siya nga." Sagot ni Lyon.

"Ikaw ha. Wag mong niloloko si Juvia kung ayaw mong makatikim sa akin." Ang nakangiti pang wika ni Gray.

"Si Juvia, lolokohin ko? Aba! Di ko gagawin yan. Siguradong maraming magagalit sa akin tsaka baka sisisihin niyo pa ako kapag bumaha sa buong Magnolia." Ang natatawang sagot ni Lyon sabay kindat kay Juvia.

"Tama ka dyan Lyon!" Wika ni Erza.

"Ohsya! Magpapahinga na muna ako." Wika ni Gray at naglakad na papunta sa kanyang silid.

"Matulog ka ng mahimbing, Gray!" Sigaw ni Lyon.

Itinaas naman ni Gray ang kamay bilang sagot.

"Aalis na rin siguro ako." Wika ni Lyon.

"Aalis kana agad?" Tanong ni Natsu.

"Mamaya na. Dito kana kumain. Naghanda kami ng masasarap na pagkain." Yaya ni Mira.

"Oo nga naman Lyon. Dito ka na muna magpalipas ng oras." Wika naman ni Lisanna.

"Sige kung yan ang gusto niyo. Salamat!" Ang nakangiting sagot ni Lyon.

"Pupunta na muna ako sa aking silid." Singit ni Juvia at tumayo na mula sa kanyang pagkaka-upo.

"Huh? Anong nangyari kay Juvia?" Tanong ni Lucy.

"Ewan ko." Sagot ni Erza.

Nagkibit-balikat na lamang ang iba.

Ngumiti naman ng malungkot si Lyon.
"Juvia, kailan mo ba tatanggapin ang pagmamahal ko?" Tanong nito sa kanyang isipan.

Sa kanyang silid ay malungkot na naka-upo si Juvia. Ni hindi lang naman siya kina-usap ng maayos ni Gray. Noon, kapag dumadating ito galing sa isang misyon ay masaya siya nitong kakausapin. Ikukwento nito ang lahat ng nangyari habang sila lamang dalawa.

Gustong-gusto niyang marinig ang mga kwento ni Gray at masayang-masaya siya dahil siya ang unang naka-alam sa mga nangyari sa binata ngunit kanina ay agad itong tumungo sa kanyang silid upang magpahinga at dahil don, nawalan na siya ng ganang manatili pa sa labas kaya mas pinili niyang pumasok nalang din sa kanyang silid.

HIS BESTFRIEND (Juvia Lockser and Gray Fullbuster Love Story)Where stories live. Discover now