Tagalog

97 1 0
                                    

[11-18-23]

LARO
GreeneverGardenn

tara! laro tayo ng pagtatago,
na kung saan ang taya ay ako.
nakaraan ang sampu,
sa usapan ika'y lumiko.

saan ka ba tumungo?
ah, nakita na kita.
kaya ako na lang ay yumuko.
kayakap mo kasi siya.

pero okay lang.
laro lang ito, malamang.
laro lamang ito sa 'yo,
masakit nga lang,
kasi ito'y aking seneryoso.

siya na ba ang iyong bago?
bakit hindi mo ginalingan sa pagtago?
'yon tuloy, nalaman ko pa.
at ako'y iyong nasaktan, sinta.

---

@berde
small letters are intended.

Her Words (A Collection Of Poems)Where stories live. Discover now