Tagalog

153 3 0
                                    

[08-14-23]

KAAGAW
GreeneverGardenn

Kung akala mo ako ang iyong kaagaw,
Oras-oras, araw-araw;
Nagkakamali ka.
Sa katutuhanang hindi lang tayong dalawa.

Hindi lang ikaw o ako,
Dapat nga magkakampi tayo rito.
Sa totoo lang hindi naman talaga ako ang kaagaw mo,
Dahil marami tayo.

Baka sa dulo,
Talo pa nga ikaw at ako.
Oo nga masakit,
Pero alam mo ba talaga kung bakit?

Sapagkat may sila, ngunit walang kami at wala ring kayo.
Kasi, pinili niya'y hindi tayo.
Kaya huwag mo nang isipin na ako ang iyong kaagaw,
Dahil sa totoo lang sa akin siya'y ayaw.

---

-plagiarism is a crime-
-open for criticisms-
@berde

NOTE: Please don't forget to put a credits to the owner and tap the vote for appreciation. Arigato! ^^

Her Words (A Collection Of Poems)Where stories live. Discover now