Tagalog

939 25 4
                                    


IKAW
GreeneverGardenn

Huwag kang lumapit,
huwag kang kumapit,
sa pusong kay lapit,
na ayaw mo namang makamit.
Baka ikaw ay magsisi at abot hanggang langit,
dahil ikaw ngayon ay naipit.

Katulad sa iyo, walang pinagkaiba.
Nanatiling ikaw ang paksa,
sa mga isinusulat kong tula.
Ikaw pa rin kahit masakit na...
At kahit nakadudurog na.

Kahit hindi na ako,
ikaw pa rin ang pinipili ko.
Sa mundong mapaglayo—
Tingnan mo,
Pinagtagpo ikaw at ako,
ngunit pinaglalayo-layo naman sa dulo.

Ikaw ang lahat sa akin,
kahit ngayon ay wala na sa paningin,
buhat ng ako'y iyong lokohin.

Sana'y panalangin ko'y damhin,
mga tinik sa damdamin,
ngayon ay unti-unting tatanggalin,
dahil sa IKAW ay AKING lilimutin...

“To feel in love, is awfully simple; but to feel out of love is simply awful.
(Note: Quote credits to the real owner)
-GreeneverGardenn

NOTE: Please don't forget to put a credits to the owner and hit the star button below. Thank you!

Her Words (A Collection Of Poems)Where stories live. Discover now