Tagalog

141 2 0
                                    

[09-20-23]

MAPAGBIGAY
GreeneverGardenn

Maglagay ng kabutihan sa mundong ito,
Dahil balang araw
maaaring ito'y babalik sayo.
Tumulong at makipag-usap sa iba,
At ipakita na ang pagiging mabuting tao
ay hindi lamang mga salita.

Bilang Pilipino'y mapagbigay tayo
sa bawat sandali,
Walang pag-aalinlangan
at walang pag-aatubili.
Kahit na wala tayong maibigay minsan,
Gumagawa tayo ng paraan upang
mabigay ang pangangailangan.

Sa mga bawat sakuna,
Tayong lahat ay nagkakaisa.
Sa pagtulong sa mga nasalantaan,
At paggabay sa kanila upang makabangon mula sa kanilang karanasan.

Mahal natin ang ating kapuwa,
Ipinapakita sa tuwing may pangangailangan,
Walang iniiwan at sinisikap
magbigay sa kanila,
Ito ang kahalagahan ng ating pagiging Pilipinong makabayan.

Anong oras man,
Ay iyong malalapitan.
At dito naipapakita na hindi lang ang dugo nating pagiging Pilipino,
Kun'di ang ating pagiging makatao.

At sa pagitan ng pag-abot ng kamay kahit kanino sa ating kapuwa,
Ito ang susi sa damdaming
payapa at maligaya.
Daan ito sa mapayapang pamumuhay,
At kabutihang dadalhin natin habambuhay.

---

@berde
(collab with the girl named KIARA)

Her Words (A Collection Of Poems)Where stories live. Discover now