Tagalog

166 6 0
                                    

[07-13-23]

“AKO PA BA?”
GreeneverGardenn

Mga haplos mo’t halik,
Tila ba ako’y nanabik.
Nasaan ka na ba?
Ako’y balikan mo na sana.

Naalala mo pa ba noong mga panahon na tayo’y magkasama?
Ang saya natin gabi’t umaga.
Mga oras na parang wala ng bukas,
Mga kwento  na akala natin ay ’di magwakas.

Ang akala ko'y ikaw na,
Akala ko lang pala.
Kahit itanong pa kung, “pwede ba ulitin natin mula umpisa?”
Talagang ang lahat ay may katapusan na.

Kahit gano’n pa ay sa huling puntong ito,
Umaasa pa rin ako ng mga kasagutan mula sa iyo.
Umaasang isip mo ay magbago, at naibigkas ko ang mga katagang, “ako pa ba?”
Dahil kung “oo” —sapat na iyon sa ’kin, sinta.

---

NOTE: Please don't forget to put a credits to the owner and tap the vote for appreciation. Arigato! ^^

Her Words (A Collection Of Poems)Where stories live. Discover now