Tagalog

141 5 0
                                    

[08-18-23]

“SA IKA-SAMPU
GreeneverGardenn

Isa, dalawa, tatlo,
Magsitago na kayo.
Hanggang sa kasulok-sulukan,
Hindi ko kayo tatantanan.

Apat, lima, anim,
Ngayon sabihin n'yo na ako'y kasakim-sakim.
Ang tulis naman ng aking patalim,
Tila'y nakiayon, at paniguradong ngayon ang inyong maging gabi ng lagim.

Pito...
Sa mga kamay ko'y hindi na kayo makalayo.
Sa tingin ninyo?
Kaya pa ba upang magtago?

Walo, siyam,
Mawawala na sa inyo ang buhay n'yong hiram.
At pagkarating ng sampu,
Sa impyerno na ang muli nating tagpo.

---

-plagiarism is a crime-
-open for criticisms-
@berde

NOTE: Pls don't forget put a credits to the owner and tap vote for appreciation. Tysm!♡

Her Words (A Collection Of Poems)Where stories live. Discover now