CHAPTER 35

41 3 0
                                    

Yohan Gonzales

Makalipas ang ilang mga araw no'ng huli kaming nag-usap. Hindi ko alam kung naging okay na ba ang lahat kay Marianne. All I knew, I did all my best to be with her even though she broke up with me. Dinamayan ko siya sa lahat ng pagkakataon kahit ilang beses niya akong pinagtabuyan.

I almost gave everything, all of my advices that time because I love her but she wanted space then I gave her the space she wanted and let her be. Even though it's hard to admit all of the mistakes that we made, still, our days in college will continue. New era and we're already on the third year phase. Sabi pa nga nila ito ang pinaka-critical na year sa lahat.

And I just wished Marianne will be on for this challenge. Alam kong hindi siya tatanggi sa ganitong challenge, knowing na malapit na kaming grumaduate.

"I really hope everything's okay now, Marianne." I sighed as I walked directly at the campus gate.

Napasandal na lang ako sa pintuan ng room namin habang hinihintay si Brent pero habang naghihintay ako, bigla namang nahagip ng paningin ko si Ysabel kaya kaagad akong nagtungo sa direksyon nito.

"Isay," tawag ko sa kanya at napatingin naman siya sa gawi ko nang maramdaman niya ang kamay ko sa balikat niya.

"Oh? Yohan, anong ginagawa mo rito?" aniya.

"Wala pa ba si Marianne?" walang pagdadalawang isip na tanong ko.

Nakakapagtaka lang dahil anong oras na, hindi niya pa rin ito kasama. Palagi namang maagang pumapasok 'yon.

"S-Si Marianne?" nauutal niyang sambit at napatingin na lang sa kanyang mga kaklase.

"Hindi mo ba alam? Mahigit isang linggo ng hindi pumapasok si Marianne, Yohan. Akala nga namin nagkasakit siya matapos nilang kausapin ni Noreen si Mrs. Casteñares." Biglang singit ni Kaye, isa sa mga kaklase nila na natatandaan ko.

"W-What? Mahigit isang linggo ng hindi pumapasok si Marianne? Bakit hindi mo ako sinabihan, Ysabel? You should have told me earlier!" para talagang nanlaki ang ulo ko sa narinig ko. Hindi nagfully register sa utak ko ang pinagsasabi ni Kaye. "I really thought she's okay." Dagdag ko pang bulong.

"Akala ko kasi alam mo," sabay kamot niya sa ulo at napabuntonghininga na lamang.

"Ano ba talagang nangyayari, Marianne? Nasaan si Noreen? I need to talk to her. Anong nangyari pagkatapos nilang makipag-usap kay Mrs. Casteñares? Tell me, tell me Ysabel!"

Maraming tanong ang pumapasok sa isipan ko sa mga oras na 'yon. Halos hindi na ako mapakali at mapalagay sa oras na 'yon.

"Yohan, saan ka pupunta?"

Kakausapin pa sana ako ni Ysabel pero hindi ko na pinansin pa ang tanong niya sa akin, bastang kumaripas na lang ako palabas ng campus, ni hindi alam kung saan ang pupuntahan.

"Nasaan ka ba kasi, Marianne?" mahinang sambit ko sa pagitan ng malalalim kong hininga.

Amidst panicking, I pushed myself to be calm. Kahit na para bang gusto ko nang sumigaw at humiyaw ng tulong, minabuti kong maging kalma at maayos.

Saglit akong napahinto nang bigla kong marinig ang boses ni Ysabel na tumatawag sa akin.

"Yohan, sandali lang. Sasama kami sa panghahanap." Hingal hingal niya ring tugon.

"Ako rin sasama sa paghahanap." Bulontaryo naman ng isang kaklase nilang si Noreen na kakarating lang.

"Thanks God, Noreen! Mabuting nandito ka na, hahanapin natin si Marianne." Napabuntonghininga na lamang din si Kaye.

"Nabalitaan ko nga, mabuti na nga lang at nagtext sa akin si Pres. Uh— Yohan? I thought umuuwi si Marianne sa inyo?"

"Hindi siya umuuwi sa bahay, ang akala ko rin nagstay siya kina Isay kaya kampante na lang akong okay siya all along." Then I heaved a long sigh again.

Trial and Grammars | ✓Where stories live. Discover now