CHAPTER 3

146 14 14
                                    

Marianne Constancia

"This is it!" excited na tugon ni Shane sakin habang pinaplansta ni mama ang buhok ko.

Things went faster, sobrang bilis lang talaga ng panahon, yung kahapong kinukutya ako ng lahat, ngayo'y naging isang with high honor student na. In the end nagtagumpay din ako. All my prayers were answered.

"Ano ba Shane? Masisira 'tong make up ko e!" asik ko sa kanya dahil napakalikot ng kamay. Ang hilig mag-selfie kaya nadidisturbo si mama sa pag-aayos sa akin.

"Ito naman, isang selfie na lang, please." Pagmamakaaawa niya sa akin.

Ang kulit talaga!

"Siguraduhin mong last selfie na iyan Shane kundi malalagot ka sa akin." Seryosong pambabanta ko sa kanya habang tinitingnan ko ang program ng graduation namin.

Graduation day namin ngayon in Senior High School. For students like us, hindi maikukumpara ang kasiyahan na aming mararamdaman kahit anong okasyon pa yan. Lahat siguro ng estudyante gustong maka- graduate. Sino ba namang hindi?

"Oo na, Yan! Ayaw na ayaw mo talaga sa selfie 'no?" pang-aasar sa akin ni Shane.

Alam niyang ayoko sa mga bagay na tulad ng pagseselfie at pagpopost. Mapapatanong na nga lang ako kung saan nanggagaling ang confident niya para magselfie in public.

"You look pretty, anak." Tugon ni mama sa akin. Nililigpit niya narin ang mga gamit niya sa pagmamake-up. Natapos na rin ang make- up scene namin. How I really hate this!

"Oh ano ba namang mukha yan? Ba't nakasimangot?" tanong sa akin ni Shane, hindi niya pa rin binibitawan ang cellphone. Magseselfie pa yata.

"Sinong hindi sisimangot, Shane? Ayoko nang naka make-up, tingnan mo ang kapal kaya." Turo ko sa aking mukha habang nakanguso.

"Anak, hayaan mo na, ang graduation day isang okasyon lang 'yan. Hindi 'yan nauulit, mabuti nga lang ay nakakapagmake-up ka ngayon, 'yong ibang estudyante nga hindi." Seryosong tugon ni mama sa akin. Inaayos niya ang buhok ko, medyo nagulo kasi.

"Opo ma, alam ko naman 'yon eh, it's just... hindi ko lang talaga keri ang heavy make up." I pouted again.

"Oh, sige na't pupunta pa tayo sa school niyo, baka malate pa kayo sa ceremony niyo." Dagdag na tugon sa akin ni mama. Nagmamadali na siyang nag-ayos tsaka naghintay na kami ng sasakyan sa labas.

Minutes later, we arrived at the school. Mabuti't sakto lang ang abot namin sa school. It was the venue of our graduation day. Sakto lang ang pagdating namin at nagsimula kaagad ang program.

Nicole and her friends congratulated me. Shane wasn't that bothered about them anymore. Sobrang saya ko that day. It was one of the memorable day of my life.

"Papa! Buti po't nakaabot kayo." Maligayang bati ko kay papa habang hawak-hawak ko ang diploma at medalya ko.

"Ako pa ba 'nak? Hindi ko pwede mamiss out to!" kita ko ang saya sa ngiti ni papa. He was so proud of me. Niyakap niya ako at nahantung na rin sa group hug.

"Picturan ko po kayo auntie!" pagbulontaryo ni Shane samin. Hawak na niya ngayon ang camera niya.

"Sige ba Shane, salamat!"

Sabi ni Shane na magpose daw kami para maayos ang makukuha niyang picture. It was indeed a good shot.

Nagdecide si mama at papa na mauna nang umuwi, magluluto na sila ng hapunan namin. Sabi kasi ni papa na magcecelebrate daw kami kaya nauna na sila upang makapagbili ng mga bibilihin.

"Anak, mauna na kami ng papa mo, maghahanda kami mamaya para hapunan, okay?" masayang tugon ni mama sakin.

"Okay po ma, ingat po kayo ah!" sabay wagayway ko kay mama at papa.

Trial and Grammars | ✓Where stories live. Discover now