CHAPTER 7

80 10 0
                                    

Marianne Constancia

"Marianne, anak?" paggising sa akin ni mama. Katok siya ng katok sa labas ng pintuan ko.

Sa totoo lang, I was annoyed. Ba't ba kasi ako ginigising ni mama ng ganitong oras, ang tagal kong natulog kagabi tapos maaga pa akong gigisingin. It's frustrating.

"Ma!" tipid kong sagot kay mama. Tumayo ako at binuksan kaagad ang pintuan. Ang dismayadong mukha ni mama ang sumalubong sa akin.

"I really thought you'll wake up early anak, it's your first—" Hindi kona pinatapos si mama sa kanyang sinasabi.

What's wrong with me?' How can I forget the first day of my class in college?

Ang daming tanong na ang lumalabas sa isipan ko and I am panicking on how I can get to school immediately.

I had this habit na magpapanick over things na masusulosyonan naman, my negativity dragged my positivity down easily. 

"I'm so doomed!" I whispered to myself trying to pull things faster.

"Oh, I messed up! Late na kasi ako natulog kagabi ma, kaya late na akong nagising, hindi rin tumatak sa isipan ko na ngayon pala first day ng class namin. Late na ba ako masyado ma?" pagtanong ko kay mama at nagmamadaling nagtungo sa paliguan.

"Malapit ka nang malate anak." Tipid na sagot ni mama sa aking tanong. Dismayado talaga si mama sa akin.

How I wish I'll make it up to mama, nagpromise pa naman ako sa kanya na pagbubutihin ko ang pag-aaral ko sa college and now, first day pa lang ng class namin, nagcollapse na kaagad ang promise ko sa kanya. So irresponsible!

Wala pang sampung minuto ay natapos na agad ako sa pagligo, hindi ko na sinuklayan pa ang aking buhok at ginamit ko na lang ang aking kamay upang ayusin ito.

"Sa school na lang po ako kakain ma!" yakap ko kay mama saka nagmamadali nang umalis. I just waved my hands to her saying, "I won't be late again ma, sorry po!"

"Ingat ka sa school anak!" sigaw ni mama sakin nang tuluyan na akong dumako sa Southern Western University.

I just raised my 'thumb ups' sign at tuluyan na akong umalis.

Hindi pa rin mawala sa akin ang kaba at takot, syempre, ang buhay kolehiyo ay naiiba na.

It's almost 7: 45 AM. I can't risk to be late on my first day. I walked fast as I can until I reached Southern Western University.

"Timing, 8:00 AM!" I whispered to myself trying to hold my breath for a while and sighed.

I, then was amazed by  Southern Western University. I always dreamt to study in a prestigious university. I'm so blessed.

Papasok na sana ako ng gate nang tanungin ako ni manong guard, I can feel my rapid heartbeats. It screams for fear and anxiety.

"Freshman ka po, Miss?" tanong ni manong guard sa akin.

"Good morning, yes po manong guard." Kalmadong sagot ko sa kanya. Kung makatitig si maong guard, akala mo kakainin kana. Tiningnan niya ako ng maigi until he warned me.

"Miss, bawal po magsuot ng naka-ripped jeans lang dito sa Southern Western University. May rules po na sinusunod. I can't allow you to go inisde the campus." Malumanay ang pagkakasabi niya sa akin, medyo malakas din ang boses ni manong guard na siyang dahilan upang ako'y mapahiya sa mga estudyanteng nakasabay ko. They're all staring at me.

I was speechless, hindi ko alam ang rule na iyon. I was nervous because I can't be late, plus kung uuwi man ako, it will take too long.

"Kasi manong guard, hindi ko naman po alam iyon at isa pa freshman naman po ako baka pwede niyo po akong papasukin sa campus, baka kasi malate ako." Pagmamakaawa ko kay manong guard, the thought na maaawa siya sa akin. The thought na makakapasok ako ng campus.

Trial and Grammars | ✓Where stories live. Discover now