CHAPTER 24

43 4 0
                                    

Marianne Constancia

"Sir Juanito is on the way na mga mare!" bungad sa amin ni pres.

Here we go again, kakabahan na naman kay sir, sa tindig pa lamang niya'y tatahimik kaagad ang buong klase.

"Guys, I can see English majors are with Sir Juanito. Anong meron?" Ani Vina nang sumilip ito sa pintuan.

"Hindi nga?" Tricia raised her eyebrows.

"Legit, bess!"

"Baka kasabay natin ang taga English major sa subject ni Sir." Sambit naman ni Noreen.

"Hoy, nasa kabilang room na si Sir, mabuti pang magbehave na kayo!" natatarantang sambit ulit ni Vina.

Mismong pagpasok ni Sir Juanito, tumahimik talaga ang lahat.

"Good morning, class!"

Kaagad naman kaming tumayo para batiin siya. Grabeng kaba talaga sa presensya ni Sir, kabado bente.

"Good morning po, Sir Juanito!"

"You call now all sit down. Anyways, I have an announcement. Due to conflict schedule, napagdesisyonan kong isabay sa inyo ang English major, magkapareho lang din naman kayo ng subject so why not isahin ko na lang sa pagtuturo. Hindi naman tayo magkakaproblema, 'di ba?" ani Sir.

"Wala pong problema, Sir!" mabilis namang sagot ni pres.

"Mabuti kung ganoon," saka sinenyasan ni Sir na pumasok na ang mga ito sa aming classroom. "Help yourselves English majors and since nakapagrelax na kayo sa una nating meet up, our class will start from this very moment." Dagdag na paliwanag nito sa amin.

"Thank you, Sir!" taga English majors.

While they are helping themselves to find their comfortable seats, hindi mawala sa isip ko kung anong mangyayari. What if pumalpak ako? Edi makikita ni Yohan kung gaano ako kabobo lalo na sa math.

Huwag naman sana.

"We will be talking about patterns for our first lesson today. We all know that patterns in nature are visible regularities of form found in the natural world and can also be seen inthe universe. Mathematics is all around us. As we discover more about our environment, we can mathematically describe nature. The beauty of a flower, the majestic tree, even the rock formation exhibits nature's sense of symmetry. There are types of number patterns, kindly recite me those Miss Constancia?" biglang tumibok ang puso ko nang kay bilis nang marinig kong tinawag ni Sir Juanito ang pangalan ko. Nakakagulat.

Nang makatayo na ako, parang natikom ang sarili kong bibig na tila hindi ako makapagsalita. Nanginginig halos ang tuhod ko pero pilit ko pa ring tumayo. I won't mess right now, nandito pa naman si Yohan.

"T-The. . .  different types of number patterns are algebraic or arithmetic pattern, geometric pattern and Fibonacci pattern. In an arithmetic pattern, the sequences are based on the addition or subtraction of the terms. The geometric pattern is defined as the sequence of numbers that are based on the multiplication and division operation. Lastly, the Fibonacci Pattern is defined as the sequence of numbers, in which each term in the sequence is obtained by adding the two terms before it."

Napabuntonghininga na lamang ako pagkatapos kong sumagot. Habang tinititigan ko ang mga kaklase ko, pati ang mga taga English majors, hindi ko maiwasang mahiya hanggang sa biglang pumalakpak si Sir Juanito.

"Answered very well, Miss Constancia. You may take your seat."

"Thank you, Sir." Kaagad na rin akong umupo.

Trial and Grammars | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon