"Mukha kang tangang nakangiti mag-isa, umupo ka na nga."

kaya naging kami, kasi ang ganda ganda ko. Kaya niligawan nya ako, kasi ang ganda ganda ko. Kaya kinikilig sya sakin, kasi ang ganda ganda ko. Kaya tinawag nya akong baby, kasi ang ganda ganda k─

"Sinabing umupo ka na eh, dapat talaga iniwan nalang kita nung nasa Mental Hospital pa tayo."

sinamaan ko ng tingin si ate sai, hilahin daw ba ako paupo? Kitang nagdadaydream pa 'yung tao diba?

"Yes, thank you."

"It'll be, 1,025 pesos Ma'am." Napatingala naman ako sa lalaking kumukuha ng order namin. "And you're number and time too. It'll be free if you'll come with me."

agad nantaas ang kilay ko. Dumako naman ang tingin ko kay Ate sai na nakayuko at nakangisi, aba naman. Wag nyang sabihin na kinikilig sya sa unggoy na 'toh? Kung banana lang kailangan nito kay ate sai, kayang kaya ko syang bigyan. Duh, ang mura mura lang 'non eh.

"So, miss ano na?"

ngumiti naman ng todo si ate sai, "Sure!"

"Okay, good. I'll fetch you up here tomorro─"

"PAANO NAMAN SI KUYA?!"

tinaasan ko silang dalawa ng kilay ng nakatingin na sila sa'kin ngayon. Nakatingin na din ang ibang mga tao na nasa restau, tinaasan ko rin sila ng kilay agad naman nilang iniwas ang tingin sakin. 'yung iba naman inirapan lang din ako, bunutan ko sila ng mga kilay eh, tignan lang natin kung mairapan pa nila ako.

"Ku─ya?"

"Tara na ate sai, sa mansion nalang tayo. Masarap pa magluto ang kuya ko."

Tumayo na ako at hinila si ate sai palabas, hinarangan naman kami nung waiter nung malapit na akong humakbang palabas. Tinaasan ko lang sya ng kilay, nakakailang beses na akong nakakataas ng kilay ngayong araw, debale, maganda pa rin naman ako.


"Alis dyan, wag kang humarang. Waiter ka palang diba? So sana, gawin mo 'yung trabaho mo bago ka maglandi, mukha ka namang unggoy."

itinulak ko sya pagilid at hinila na ulit si ate sai, at tuluyan na kaming umalis pabalik sa kotse nya. biglang may nagflashback sa isip ko, 'yung humarang. 'yung babae kanina, 'yung babae.

'yung boses.

Bakit parang pamilyar?

-

"Hindi ako marunong magluto!"

"Kaya mo 'yan! Oh eto, Cooking book! Pumili ka nalang dyan, bahala ka na dyan basta dapat masarap. May utang ka sakin dahil sa pagsalba ko sa nararamdaman mo!"

"Tsk, umalis ka na nga dito."

i mouthed kuya, 'goodluck'. Inirapan lang ako, nagmukha tuloy syang bakla. Pero debale, gwapo pa rin. Bagay pa rin sila ni ate sai, hindi 'yung isang unggoy na waiter doon sa restau kanina. Ampanget, di sila bagay. Malayo ang age gap nila.

1 hour passed.

"Luto na! Tikman nyo na 'tong adobo ko, pinaghirapan ko 'yan kaya kung lalait-laitin nyo wag nalang kayong kumain!"

Agad akong kumuha ng plato. Bakit anim? tatlo lang naman kami, sigurado akong nasa galaan nanaman 'yung si zharm kasama si carl. Nagkakamabutihan na ata 'yung dalawang 'yun eh, yari sakin 'yung babaeng 'yun. Nakakalimutan na nya ata na bestfriend nya ako, na may bestfriend pa sya. Palayasin ko sya dito sa mansion ko eh.

"Ba't anim kuya?"

"Damihan mo ng sabaw, mas masarap pag maraming sabaw."

Kumunot naman ang noo ko, dumadamoves ang kuya ko. Naiingit tuloy ako, asan na ba kasi 'yung lalaking 'yun? Oo nga pala, hindi pala 'yun pupunta dito. May iba na ata eh, nakalimutan na atang may girlfriend sya. Psh.

"Hi baby." nagulat naman ako ng may yumakap sakin sa likod ko.

"R-Ryan? Bakit ka andito?"

umupo naman sya sa tabi ko, nagsipasukan naman si zharm at carl. Nakaakbay na si carl kay zharm, tinignan ko ng masama si carl at agad naman nyang tinanggal 'yon at itinaas ang dalawang kamay na nagpapahiwatig na wala syang masamang ginawa.

"Bakit, bawal na ba ako dito? Bawal ko na ba bisitahin ang girlfriend ko?"

"Nako naman."

"Nakakasuka dude!"

"Kumain ka na sai, baka lumamig."

Sinamaan lang sila ni ryan ng tingin, umingaw naman ang bahay ng mga tawa nila. Nakayuko lang ako at nakangiti. Lumapit naman ang kamay ni ryan sa kamay ko na nakapatong sa legs ko at inintertwined nya 'yon. Napaangat ang tingin ko sakanya, nakangiti sya sakin kaya nginitian ko rin sya pabalik.

"Let's eat, baby?"

The Nerd's Revenge ❘ ✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant