chapter 14

64 9 1
                                    

Hindi agad ako nakatulog nang gabing iyon. Paulit-ulit bumabalik sa memorya ko ang mga lumabas sa bibig ni Azel. Nakakagulo lang.

Bakit ba kasi hindi siya straightforward, ito ang hirap sakaniya e!

KINAUMAGAHAN, imbis na agad agad na tumayo sa higaan ay tinagalan ko pa. Mag hapon akong nag kulong sa kwarto.

Naiinip na nga raw si Den dahil wala siyang magawa rito. Kung may gagawin pa nga raw ay yun pa ay magkakatinginan sila ni Azel nang matalas at wala pang mag bibitaw o magtatangkang pumutol non.

Tapang niya ah, wala siya sa pamamahay niya tapos lalaban sa patalasan ng titig.

Wala na nga akong nagawa kundi ang ituloy ang plano. Wala paring nangyayari kaya naiinis ako. Kung mayroon man hindi ko pa maintindihan si Azel. Manhid na tarantado lang ang ambag ko sa planet.

"Let's try this plan, Ate.." bulong ni Den saakin.

He told me that this is the last plan and... if this fail then I'll accept the fact that Azel doesn't like me. I bet we'll just do that thing. Wala na akong magagawa kundi tanggapin ang huling planong napag isipan namin.

"Azel?" I called him, kumakatok katok pa ako sa malaking pintuan ng kwarto niya. Although, I don't know kung nandito nga ba siya pero susubukan ko parin alamin kung nandito nga siya.

Ilang minuto pa akong nagkakakatok bago ko naisipang pihitin ang door knob pabukas.
Natigilan ako ng bumukas nga iyon. Walang tao sa loob pero rinig ko ang lagaslas nang tubig sa loob ng banyo ni Azel. Nandito nga siya.

Huminga ako nang malalim at naisipang umupo muna sa higaan niya. Sobrang lambot ng higaan ni Azel pero ramdam ko ring same lang kami nang quality ng higaan.

Walang pakielam na humiga ako sa kama niya. Bahagyang lumubog pa ako at umangat ulit. Nang marinig na hindi na ulit lumalagaslas ang tubig sa banyo ay kaysa tumayo ay mariing umayos lang ako sa pag higa at inilagay rin ang paa sa higaan.

Rinig ko rin ang pag bukas-sara ng pinto ng banyo. Inilipat ko ang tingin kay Azel na ngayon ay nakatingin rin saakin.

Halata rin na nagulat itong nandito ako sa kwarto niya. "What are you doing here? Hindi ka ba maayos sa kabilang kwarto? Bakit ngayon ka lang lumabas? Kumain kana ba?..." lumapit ito saakin.

Natigilan ako sa ginawa niya. Napakurap pa ako.

N-Nag aalala ba siya sakin?

Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o kikiligin dahil sa dami niyang tanong...

"... Kamusta ka? Bakit hindi ka lumalabas kanina? Kakain kana ba? Lulutuan na ba kita?Ano bang gusto mong kainin?" Puros pagaalala ang mata ni Azel habang nakatingin saakin.

Natahimik ako sa mga sinabi niya. Nagaalala nga ata siya.

Tumikhim ako bago nakasagot sakaniya. "U-Uh... ahm A-Azel may sasabihin sana ako" nauutal pang saad ko. Umayos na ako. Umupo ako at humarap sakaniya.

Natigilan siya nang ma-realize kung paano siya umasta kanina. Napakurap kurap pa ito. "Oh, sorry... then, what is it ba?" Tanong niya na animoy kanina ay walang ginawang weird pa sa weird.

Ngayon ko lang rin napansin na naka-towel lang pala siya sa ibaba habang walang damit na pang-itaas. Lantad pala sa harapan ko ang matipunong katawan nito.

Tumikhim si Azel kaya napataas ang tingin ko sakaniya. Nakangisi na ito na nakatingin parin saakin.

Nangaasar na ang bakulaw.

Naginit naman ang dalawang pisngi ko sa nangyari. Tila walang pakielam naman si Azel sa kaniyang katawan na lantad na lantad sa harapan ko. Ano ba naman itong lalaking ito?!

CAPTURED MEMORIES (Buencamino Cousins Series 2)Where stories live. Discover now