chapter 12

58 8 1
                                    

"Parang ano namam, Den!!" Sigaw ko sa pinsan 'kong nasa kabilang linya "Dali na kasi! Mabilis lang naman papagawin ko e!" Sabi ko pa at naupo sa couch hawak hawak ang maliit na baso nang gatas.

"Para ka ring tnga! Ayoko nga kasi! Makasigaw 'to kala mo hindi artista e!" Sigaw niya rin saakin.

Si Den Guevara. Pinsan ko sa side ni papa. Hindi naman dahil bunga ako ng isang krimen ay hindi na pwedeng makipag interact sa pamilya nang Papà ko.

"Lah! Sino ang ate saating dalawa?!" Sigaw ko "Kung ganoon hindi na 'ko magpapadala ng mga sapatos sayo na brand new kung hindi ka papayag saakin!" Dagdag ko pa.

Natahimik ang nasa kabilang linya at doon pa lang alam ko nang panalo ako sa away namin. Pupunta siya rito at pagseselosin ang mahal 'kong si Azel.

Pagseselosin namin si Azel. Well, try lang naman ito. Gusto ko lang malaman if may pag asa ba...

"WHO ARE YO-" napatigil ako nang makita kung sino ba iyon.

Isang matangkad na lalaki iyon at kamukhang kamukha ko. Tangina ang ganda talaga ng lahi namin. Mayabang na ba ako nito? Hehe

"Oh my g!" sigaw ko ko at hinablot siya payakap. Kinwento ko na ang mga kailangang gawin namin para sa aming pagpapaselos plan 01.

Nakarinig kami nang yabag paibaba. Agad ko rin namang naramdamang yumakap saakin ang aking pinsan. "Oh, Den. Bakit ka naparito?" Tanong ko at humiwalay sakaniya nang yakap. Ganap na ganap si Ate mo gurl!!

"Uh k-kasi, si Daddy pinapunta ako rito for business trip and napadaan ako sa bahay mo kaso sabi ni Dria. Manager mo?" Tanong niya kaya tumango ako, "Sabi niya nandito ka raw kasama um... who's that?" Tanong nito at nakunot ang nuo.

Putik, ang angas ng pinsan ko umarte! Muntikan na akong matawa sa kaseryosohan niya e. Napangisi akong tumingin kay Den bago itago ang ngisi at inilipat nag tingin kay Azel. "Um tara ipakikilala na kita sa napagkasunduan ni Mamà  na magbabantay saakin!" Masaya kong saad at hinawakan siya sa kamay. Lumapit kami kay Azel na walang emosyon ang mga mata at nakatayo na sa likuran ko.

"Oh, Azel this is Den" sabi ko with hand sign, hand sign 'pang nalalaman. "Den he's Stone Azel Buencamino!" Sabi ko.

Napakunot naman ang nuo ni Azel at ni Den pero sa huli ay ngumiti nalang si Den at nag lahad nang kamay. "I'm Den" sabi niya at bahagyang ginulo ang buhok.

Napatikhim ako nang hindi kinukuha ni Azel ang pakikipag-kamay ni Den. Hehe lintìk na ito ah!

"Azel." Malamig na turan nito. Umalis na lang agad ito sa harapan namin at pinuntahan ang kusina.

Napakunot ang nuo ko at akmang susugurin si Azel dahil parang tanga lang. Pero nahawakan agad ako ni Den sa damit. Umiling iling pa ito na para ba na sinasabing "Huwag mo nang patulan"

Napaayos nalang ako nang tayo at inayos narin ang damit. Tinarayan ko ito at hinawakan si Den sa kamay para hilahin sa second floor. Pumasok kami sa kwarto ko at sinara na ang pinto.

"Nagsisimula pa lang pinapakita mo na na talo ka" sabi ni Den at prenting nakaupo sa kama ko. Lumapit ako sakaniya at tumabi pa.

"Rito ka muna nang pitong araw ah, wala na siyang magagawa roon" bulong ko at pabalang na humiga sa kama. Napahinga ako nang malalim. Ginaya naman ni Den ang ginawa ko.

"Let's start na, gawin na natin ito para matapos narin" sabi ko at tumayo. Nasa kotse pa raw ni Den ang gamit niya kaya bumaba pa siya para kuhanin iyon.

Hinayaan ko nalang malaki na siya, kaya niya na ang sarili niya. Magbubuhat lang nang malaking bag hindi niya ba iyon kaya kung sasamahan ko pa siya.

Bumukas ang pinto at iniluwa nun si Den na parang nakakita nang multo. "Anong nangyari? Mabigat ba?" Napaupo ako at akmang aagawin na sakaniya ang bag ay nabitawan niya iyon at nalapag sa sahig.

CAPTURED MEMORIES (Buencamino Cousins Series 2)Where stories live. Discover now