CHAPTER 8 - HURTFUL WORDS AND UNACCEPTED APOLOGIES

38 1 0
                                    

"Reyster, di ka pa ba pupunta ng dorm?" sabi ni Drei sa kasamang si Reyster matapos nitong magrehearse para sa next mission performances.

"Ah.. Mamaya na siguro ako Drei, dito muna ako. Susunod na ako sa dorm maya maya."

"Okay, nandun lang kami sa dorm ha? Nagpuslit ng pizza si Kim, wag kang maingay. Kung gusto mo kumain, pasok ka lang sa dorm ko ha? Mauna na ako." sagot ni Drei sabay alis nito sa rehearsal room.

(DING!)

Napalingon si Reyster sa phone na nasa loob ng bag niya, alam niyang bawal ang gadget sa loob ng rehearsal room, pero di nito kayang di dala ang kanyang cellphone, baka sakaling may maibigay na impormasyon si Gab tungkol sa kalagayan ni Vinci.

[you have 1 new message!]

*swipes*

[text message from hindi vinci: gising na si vinci, reyster.]

Pagkabasa ni Reyster sa mensahe ni Gab ay bigla itong kumaripas ng takbo paalis ng studio, kahit na ito'y pinigilan ng mga guards sa labas ng compound ng network ay nakaalis ito at biglang sumakay sa traysikel na nakaparada sa labas.

Walang ibang nasa isip ni Reyster kung hindi ang makita at masilayan muli si Vinci. Matagal na nitong hindi nakasama si Vinci simula nang ito'y maaksidente at mapalitan ni Gab.

Nasa labas na ng pinto si Reyster at nang buksan niya ito ay para bang bumagal ang takbo ng orasan nang makita niyang muli si Vinci, nagkatitigan si Vinci at Reyster. Lumakad ng paunti unti si Reyster kay Vinci na nakahiga pa rin sa hospital bed. Hindi na napigilan ni Reyster ang kanyang sarili at niyakap nang mahigpit si Vinci. Nangilid ang luha ni Reyster habang yakap yakap nito ang matalik na kaibigan.

"Kung alam ko lang na may mangyayari sayo, sana pinigilan kitang umalis sa coffee shop, sana sumama ako sayo. I'm sorry.."

"Reyster, teka .."

"No.. dito lang ako, di kita iiwan.."


"Reyster, teka lang --"

"No, don't let me leave please.. let me take care of you.."

"Toto Yton! Teka ang sakit, yung sugat ko sa tiyan!" pasigaw na sabi ni Vinci habang pinaalis sa pagkakayakap si Reyster. Agad namang pinunasan ni Reyster ang luha niya at napangiti.

"Sorry, hehe. Namiss lang talaga kita. Kamusta pala ang sugat mo?"

"Ayos naman. Pero masakit pa din ang ulo ko tsaka ito yung sugat ko sa tiyan."

Habang nag uusap ang dalawa ay biglang pumasok si Gabriel na may dalang mga prutas. Kumaway ito sa dalawa habang papasok sa room.

"Nakakadistorbo ba ako sa moment niyo?" sabi ni Gab habang nilalagay ang prutas sa side table,

"No Gab, ayos lang." sabi ni Vinci.

"Ano na ang plano niyo ngayon?" sabi ni Reyster.

"Sinabi na ni Gab lahat nang nangyari, naospital ako, may iniimbestigahang foul play kaya si Gab-Gab ang pumalit sa akin sa audition." sabi ni Vinci.

"Sabi ng mga police, hinahanap pa nila kung sino yung naglagay ng tree stump sa daan, wala ding cctv sa dinaanan natin kaya medyo mahirap itrace. Yung dashcam na lang ang pag-asa natin." paliwanag ni Gab.

"I can't go out pa with me like this, kaya please, continue your plans, Gab, I'm asking you a favor to please cover for me muna. Alam ko mahirap at di madali pero please, until I recover, please be me for the mean time." sabi ni Vinci.

"Mahirap? Naloko niya nga ako e, akala ko ikaw 'tong kakambal mo, pero he slipped up nung nakita ko siyang humihithit ng white flower." sabi ni Reyster habang iniirapan si Gabriel. Hindi pa rin nito lubos akalaing napaniwala siya ni Gab.

"Alam mo Chi, kaibigan mo lang ba talaga to? Ang oa ha? Alam lahat ng detalye tungkol sayo." pasarkastikong tanong ni Gab sa kakambal niya.

"Wag kayong magtalo dito, please, Reyster.. Guide him, he needs you." sabi ni Vinci. Napatango na lamang si Reyster sa sinabi ni Vinci.

"Nga pala matanong ko lang, sinong nagplano na maging ikaw ako, who did you call the day of the accident?" tanong ni Vinci.

"I looked up on your phone, walang phone contacts, si Onie lang ang nasa phonebook mo kaya siya ang tinawagan ko."

"What do you mean walang phone contacts? Mom's number and Ate was there."

"No, walang number nila dun, si Onie lang nandoon. Here, look at this, ni messages wala." sagot ni Gab.

"That's weird.. Baka glitch lang sa phone. Pero yung sinabi ko ha, be me for the meantime and also, ace those missions, I will be watching here." sabi ni Vinci habang hawak hawak ang kamay ni Gab. Napangiti na lamang si Gab habang pinipisil nito ang kamay ng kanyang kapatid.

Sabay na lumabas ng kwarto ni Vinci sila Gab at Reyster. Habang naglalakad sila palabas ng ospital ay di nagkikibuan ang dalawa, dahil siguro sa pag-aaway nila kanina sa loob ng kwarto.

"Listen Malizon, I only agreed to continue this charade kasi yun ang gusto ni Vinci, at dahil on going pa ang imbestigasyon kailangan mong maging si Vinci sa show. So don't ever think na di ko pa nakakalimutan ang kasalanan mo sa akin. That was my bestfriend inside there and di mo sinabi sa akin na nakaratay pala siya habang pinagmumukha mo akong tanga nung nasa show ka. I wasn't able to tell you this nung una mong sinabi sa akin na nasa hospital siya, but now na nahimasmasan na ako, I'm saying it to you." sabi ni Reyster.

"Naiintindihan kita Reyster. I apologize for not telling you sooner, pero Reyster, ipapaalala ko lang sayo, na di madali sa akin lahat ng desisyon na ginawa ko at bago ka maging bestfriend ni Chi, naging kapatid na niya ako noon pa. Excuse me, mauuna na ako sa studio." sabi ni Gab na tila ba nasaktan sa mga sinabi ni Reyster. Akala nito ay napatawad na ito ni Reyster, pero hindi pa pala. Pagkapasok ni Gab sa pintuan ng taxi ay tila ba di ito makahinga.

"K-Kuya.. P-pakibukas po ng pinto, hindi po ako makahinga.." mahinang sabi ni Gab habang umaandar ang sasakyan. Hindi na alam ni Gab ang mga sumunod na nangyari dahil nawalan na ito ng malay habang nasa loob ng sasakyan.

30 minutes later

Nagkakagulo ang mga tao sa dressing room ni 'Vinci'. Napakunot ng kilay si Reyster na papunta na sana sa dressing room niya.

"Ano pong nangyayari?" tanong ni Reyster.

"Nawawala si Vinci, 30 minutes na pero di pa siya bumabalik. Tinatawagan siya ng Glam Team niya pero hindi sumasagot." sabi ng make up artist ni Reyster na di nakatingin kay Reyster at mukhang tutok na tutok sa mga nangyayari sa loob ng dressing room ni 'Vinci'.

Hindi maipaliwanag ni Reyster ang kanyang nararamdaman. Nakokonsensya ito sa mga binitawan nitong salita kay Gab sa hospital at baka ito ang rason kung bakit di pa ito bumabalik.

"You mean di pa siya bumabalik?" dagdag ni Reyster.

"Hindi pa po sir. Nag-aalala na po ang mga bading na nakaassign sa kanya kasi malapit na magcall time for next shoot -- Ay! Sir Reyster kayo po pala! Ako po pala si Gellai, bagong member ng glam team niyo po." sabi ni Gellai.

"Okay Gellai, kailangan ko munang umalis. Sabihin mo sa kanila may emergency ako." tumakbo si Reyster palabas ng compound at doon ay nakita niya si 'Vinci' na papasok sa hallway. Napatigil si Reyster at pinagmasdan si 'Vinci' na papasok. Nawala lahat ng pangamba niya nang makita niya itong papalapit sa kanya.

"Bakit ka nakatulala? Miss mo ba ako? Tara na malelate na tayo sa shoot." sabi ni 'Vinci' while he walks pass kay Reyster.

Hindi alam ni Reyster kung anong nangyayari, pakiramdam nito ay hindi si Gabriel ang kanyang kaharap ngayon ngayon lang. Lumakad ito kasunod ni 'Vinci' at pumasok ng compound.


END OF CHAPTER 8

Accidental SwitchWhere stories live. Discover now