CHAPTER 1: AJA FAKE CHASER! FIGHTING!

370 20 29
                                    

"Onie, sigurado ka ba sa planong 'to, paano kung mahalata nila na di ako si Vinci, paano kung makulong ako? Kung makukulong ako, ibig sabihin makukulong ka rin diba?" tanong ni Gabriel habang naglalakad kasama ni Onie sa hallways ng ABS-CBN. Bakas sa mata ni Gabriel ang kaba at takot sa gagawin nitong pagpapanggap para sa kanyang kapatid.


"Pwede ba Gabriel wag ka masyadong kabahan, alam mo si Vinci walang bakas ng kaba nung nag audition, do the same, wag natin 'tong bulilyasuhin kundi lagot tayong dalawa and si Vinci, we don't want that to happen diba? So pack your shit up and fake it till you make it! Fix yourself! Ang mindset mo ngayon ay ikaw si Vinci! Vinci okay? Not Gabriel." sagot ni Onie sa kaibigan nito. Mukhang natauhan din si Gabriel sa mga sinabi ni Onie. Hindi sila dapat mabisto at mahuli kundi silang tatlo ni Vinci ang mapapahamak. Pumasok si Gabriel sa dressing room para sa pictorial nila for the poster teaser, wala pang tao sa loob kaya minabuti na munang kumain ni Gabriel. Nagbukas ito ng chichirya at nag-isip muna ng mga gagawin nito para siya ay di mabisto. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ni Gabriel ay biglang may kumalabit sa likod nito habang ito ay nakaupo sa makeup seat. Nilingon niya ito at tila ba nakatitig lang ito sa kanya, nakabukas ang palad. Naguguluhan si Gabriel kung anong pakay nito sa kanya. Mapula ang labi nito, maputi at mapungay ang mga mata.


"Uhm, excuse me?" tanong ni Gabriel sa lalaki. May nakasuklip itong nametag sa dibdib at ang nakalagay ay 'Reyster'. "Do you need something, uhm, Reyster?" tanong ni Gabriel na tila ba ay umaakting close ito kay Reyster dahil ano bang rason nito para siya ay iapproach kung di ito close sa kakambal niya.


"tikim.." malumanay na sagot ni Reyster kay Gabriel habang tinuturo ang hawak nitong bag ng chichirya. Pilit na ngumiti at tumawa si Gabriel kay Reyster, inabot nito ang bag ng chichirya kay Reyster. Pagkatapos maiabot ang bag ng chichirya ay agad na lumakad palabas si Reyster ng dressing room, tangay tangay ang chichirya. "Thank you ha?! Thank you sakin! Grabe, titikim daw pero kinuha ang isang buo. Ganito ba dito?" padabog na sabi ni Gabriel habang humaharap sa salamin.


Habang nakaharap sa salamin ay dumating ang mga stylist ni Vinci A.K.A stylist ni Gabriel na nagpapanggap na si Vinci sa dressing room. "Hi, I'm Mellow, this is my team, si Gih and Kent, kami ang nakaassign na glam team mo, you're Vinci right?" tanong ng stylist kay Gabriel. Di agad nakasagot si Gabriel at tila natameme sa mga nangyayari. Naalala nito ang sabi ni Onie kanina at cinompose ang sarili para sa kanyang kakambal. "Uhm, yeah, I'm Vinci. You must be my makeup and styling team, nice to meet you po." tumayo si Gabriel para makipaghandshake sa kanyang glam team. Umupo ito ulit at sinimulan na siyang makeupan at ayusan para sa kanilang poster teasers.


Sa kabilang room naman ay papasok na si Reyster sa kanyang dressing room, bitbit pa din nito ang kanyang natangay na chichirya. "Jusko Reyster! Naku naman! Saan ka ba galing? Kanina pa kami nag aantay sayo, sabi mo mag c-cr ka lang??" tanong ni Eri kay Reyster. Si Eri ang head ng makeup and styling team for Reyster, kasama nito sa team sina Drewie at Esh. "Oh, ano yan? Ba't may chichirya ka? Itabi mo nga yan Toto, jusko, alam mo ba na may napagalitang auditionee dahil nagdala ng isang balde ng pasalubong biscuits? Gusto mo ba mapagalitan? Alam mong bawal 'tong ganito, akin na nga yan." biglang bawi ni Esh ng chichirya kay Reyster. Kinain ni Esh ang tirang chichirya at napansing imported ito. "Galing ng Australia to ah, kanino to galing? May umuwi from abroad?" tanong ni Esh. Umupo na si Reyster sa makeup seat at sinimulan na itong ayusan ni Eri. "aaaaahh... yan ba? ah... dun sa kabila galing." sagot ni Reyster. "May taga Australia na auditionee? Grabe, umuwi pa to be here?" tanong ni Drewie.


Matapos ang makeup session ay pumasok na ng pictorial room ang mga chasers at isa isa itong pinicturan in Alphabetical Order. Nakaupo pa rin sila Reyster at Gabriel kasama ang mga iba pang chasers na nag aantay for their turn sa pictorial. Napansin ni Gabriel si Reyster, ang lalaking nang-1-2-3 ng kanyang snacks sa dressing room. "huy? Reyster? Huy!" mahinang tawag ni Gabriel kay Reyster. Lumingon si Reyster, tumitig kay Gabriel at nag aantay ng susunod na sasabihin ni Gabriel. "close ba tayo? Like, uhm, naging friends ba tayo before this pictorial?" tanong ni Gabriel.


"... uhm. Hindi." sagot ni Reyster.


"eh ba't ka pumasok ng dressing room ko? tinakbo mo pa chichirya ko? First time ba nating magkakilala kanina?"


"... ahhh. Hindi." sagot ni Reyster.


"so nagkakilala na tayo before kanina? saan?" pagtatanong ni Gabriel kay Reyster. Kailangan nitong malaman lahat ng detalye dahil baka pagdudahan ito ni Reyster.


"REYSTER? YOU'RE NEXT." bago pa makasagot si Reyster ay tinawag na ito ng photographer. Mas lalong kinabahan si Gabriel dahil sa sinagot ni Reyster na hindi ang engkwentro nila ang unang beses na nagkakilala ang mga ito. Baka may rason kung bakit ito pumasok ng dressing room ni Vinci.


"Reyster could you flash a little smile please, hindi tayo nagshoshoot for a twilight film! Smile a little!" sabi ng photographer kay Reyster. Hirap itong ngumiti dahil hindi sanay si Reyster sa pilit na ngiti. Stressed na din ang makeup and glam team ni Reyster sa pagpapakita ng smiling technique while nakaharap kay Reyster sa tabi ng photographer. "Sir, baka ano, pwede na yung di siya nakangiti, kase ano sir, uhm-" sabi ni Eri sa photographer. "-di po kasi siya plastic sir, and mas maganda if transparent yung genuine visual sa camera. Diba? Right?" dagdag ni Esh. Tumingin si Reyster kay Gabriel na tila ba nangangati sa suot nitong Signal Song uniform, napangiti si Reyster at agad itong nakunan ng photographer. "AYOWN! VERY GOOD REYSTER! GANYAN ANG NGITI! OKAY NEXT!" agad na sinundo ng glam team si Reyster na tila ba di makapaniwala na napangiti ito.



Natapos ang photoshoot at tila ba pagod na pagod na pumasok ulit ng dressing room si Gabriel para tanggalin ang mainit at makating signal song suit. Kasunod ni Gabriel ang glam team ni Vinci. "Vinci, bibili muna kami ng makakain, may ipapabili ka?" tanong ni Mellow. "uhm nothing. I'll just wait here." sagot ni Gabriel. "Oh siya, magtatanggal tayo ng makeup after nito ah? Madali lang to. Tara na mga bading, nagugutom na ako." sabi ni Mellow at agad namang sumunod ang team nito papuntang labas ng dressing room.


Binuksan ni Gabriel ang cellphone ni Vinci at nakita na wallpaper ni Vinci ang picture nito kasama ang kanilang Mama. Napangiti si Gabriel at inunlock ang phone gamit ang facial recognition. "Vinci, this is for you, I need to know everything, pasensya na if maiinvade ko ang privacy mo." binuksan ni Gabriel ang gallery ng kapatid at tumambad ang mga selfie ni Vinci, pictures ng pusa, pictures with Onie and habang nag-i-scroll ay nakita niya ang isang picture, ang picture ni Vinci kasama si Reyster, sa isang restaurant. "Ba't may picture sila ni Reyster na magkasama? Ito ba ang reason ba't pumunta yun dito sa dressing room?" Binuksan naman ni Gabriel ang messages sa phone at may message conversation si Gabriel kay Reyster sa Instagram.



Reyster Yton
(reysteryton_) Active 3hrs Ago
[ialwaysvinci: after ng photoshoot may sasabihin ako sayo. 19hrs ago]
[reysteryton_: okay. puntahan na lang kita sa dressing room after ng shoot. 18hrs ago]


"AFTER NG PHOTOSHOOT? SO PAPUNTA NA NAMAN SIYA DITO?" biglaang sabi ni Gabriel na tila ba kinabahan ulit dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Reyster kung sakaling pupunta nga ito sa dressing room niya ulit. Mas tumindi ang kaba niya ng mag online si Reyster.


Reyster Yton
(reysteryton_) Active Now

[reysteryton_: nakalock ang dressing room mo, pabukas. 1s ago]


"OH SHIIIII-- WHAT DO I DO!" bulong ni Gabriel sa sarili. May kumakatok sa pinto at tila ba hindi alam ni Gabriel ang gagawin. Huminga ito ng malalim at binuksan ang pinto. Nakatayo si Reyster sa harap at nagkatitigan ang dalawa.


Pinasok ni Reyster ang cellphone sa bulsa at lumapit kay Gabriel. "anong sasabihin mo?" pabulong na sabi ni Reyster habang nakatulala lang si Gabriel. Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lamang ito natulala sa presensya ng isang lalake, and literal na tulala dahil di nito alam kung ano ang mga susunod na gagawin at salitang sasabihin.




END OF CHAPTER 1.

Accidental SwitchWhere stories live. Discover now