EPILOGUE - THE NEXT SWITCH

194 9 6
                                    

Lahat ng alaala ng aksidente ay paulit ulit na nagpapakita at naglalaro sa isip ni Vinci simula nang maadmit ito sa ospital. Wala itong ibang makita sa kanyang isip kundi ang paulit ulit na loop ng aksidente. Di alam ni Vinci ang nangyayari kung bakit paulit ulit niyang narerecall ang alaalang ito pero isa lang ang sigurado, gusto na nitong gumising kung ito ay isang bangungot o panaginip.


Nakaratay pa rin sa kama ang naaksidenteng si Vinci. Katabi nito ang natutulog na si Gab. Tahimik na at wala nang tao sa labas ng kwarto ng ospital. Hindi alam ni Vinci kung ilang araw na siyang nakaratay sa ospital pero ang sigurado siya ay kailangan niya nang gumising. Pinilit ni Vinci na imulat ang mata. Ilang beses nitong sinubukang ibukas at idilat ang mata, at sa patuloy na paulit ulit na pagsubok ay naibukas na nga nito ang mata at nagkaroon na ito ng ulirat. Nakita nito si Gab na nasa tabi niya at ito ay kanyang ginising.


"G-Gab.. anong araw na?" mahinang tanong ni Vinci.

"V-Vinci??" gulat na sabi ni Gabriel.

Accidental SwitchWhere stories live. Discover now