CHAPTER 7 - THE ONE BEHIND IT ALL

149 5 0
                                    


Puno ng katahimikan ang loob ng men's bathroom. Naghihintay pa din si Reyster sa sagot ni Gabriel, kung sino ito at kung ano ang ginagawa nito sa position ni Vinci. 

"Tatanungin kita ulit, sino ka at nasaan si Vinci." maririnig sa tono ng pananalita ni Reyster na may galit ito at inis. 

"R-Reyster.. pakinggan mo muna ako.. Di ko ginusto ang mga nangyari, maniwala ka, wala akong ginagawang masama o ikakasama ni Vinci." paliwanag ni Gabriel. 

"Di mo sinagot ang tanong ko, sino ka at nasaan si Vinci." tanong ulit ni Reyster.


Humingang malalim si Gabriel at nilapitan si Reyster. 

"Ako si Gabriel, kapatid ni Vinci, kambal na kapatid. Nung umuwi ako ng pinas para suportahan si Vinci dito, sa gusto niyang pangarap, naaksidente kami, nasa comma siya ngayon at kailangang ako ang pumalit sa kanya. Maniwala ka, wala akong balak na masama kay Vinci." sabi ni Gab habang hawak hawak ang balikat ni Reyster.


"Nasaan si Vinci? Gusto ko siya makita." tanong ni Reyster.


"Nasa hospital siya ngayon. Please, sana wala munang makaalam nito Reyster hangga't di pa gising si Vinci, kailangang ako muna ang tatayo sa posisyon niya." pakiusap ni Gabriel kay Reyster. Hindi kumibo si Reyster at lumakad lang papunta sa pinto. Lalabas na sana ito pero di nito mabuksan ang pintuan palabas. 

"ba't ayaw bumukas nito?" tanong ni Reyster habang pinipilit na buksan ang pinto. Gusto na nitong makalabas sa men's room para puntahan ang ospital na sinabi ni Gabriel.


"ha? Anong di mabuksan?" sinubukan ni Gabriel na buksan din ang pinto ngunit di rin nito mabuksan ang pinto, para bang may nakaharang sa labas para mabuksan ang pinto. 

"Teka, tatawagan ko si Onie." Kinuha ni Gabriel ang cellphone nito para tawagan si Onie ngunit hindi nito macontact si Onie. 

"Ayaw sumagot ni Onie, may pwede ka bang matawagan sa labas na pwedeng magbukas ng pinto sa atin?" tanong ni Gabriel.


"Wag mo 'kong kausapin." sagot ni Reyster. Bakas pa din sa mukha ni Reyster ang galit at inis kay Gabriel. Hindi ito makapaniwala na niloloko siya ng taong kasama niya ngayon. Ang gusto lamang nito na mangyari ay ang makita at makasama si Vinci.


Habang nasa men's room pa sila Reyster at Gabriel, sa hospital naman kung saan nakaconfine si Vinci, may pumasok sa kwarto ni Vinci, may dala itong basket ng prutas at mga bulaklak. Tinanggal nito ang face mask na nakabalot sa mukha at makikitang si Onie ito. Umupo si Onie sa upuan malapit sa hospital bed kung saan nakaratay si Vinci. 

"Kamusta bestfriend? Yuck, ang cringe, well, anyways, bagay na bagay sayo 'to, deserve mo 'to, with this, di mo na ako maalila, nasa akin ang spotlight at finally, wala ka na sa equation. Matulog ka pa ng mahimbing diyan Vinci, paggising mo, wala na lahat sa'yo. I'm sorry din pala kung kailangan pang maaksidente ka, kailangang mangyari nun para maisagawa ko yung plano ko, ang kailangan ko na lang gawin ay ang pumalpak yung kambal mo na ang tigas ng ulo, parang ikaw rin? Well, pakyu ka, aalis na ako, kailangan ko pang guluhin lalo yung buhay mo sa labas, stay dehydrated Vinci." tumayo si Onie at inunplug ang machine na nagsusupport kay Vinci. Nagsimulang magkaseizure si Vinci at lumapit si Onie sa bandang tenga ni Vinci. 

".. don't worry, ililigtas ka ng mga nurse. consider this a friendly prank.. ciao!" tumayo si Onie at humingang malalim bago sumigaw. 

"NURSE! TULONG! NAGSESEIZURE SIYA!" sigaw ni Onie na kunwaring concern sa nakaratay na si Vinci. Agad namang umalis si Onie sa ospital pagkatapos dumating ng mga nurse at doctors sa kwarto ni Vinci.


Sa studio naman, dumating si Mellow at Kent para buksan ang pinto ng men's room. Agad na lumabas si Reyster at Gabriel. 

"Diyos ko mga anteh? Ba't ba kayo nakulong sa cr? Wag niyo sabihing -" tanong ni Mellow na tila nag aassume na may nagaganap sa loob ng cr. 

"Pwede ba Mellow, walang nangyaring ganon." sabi ni 'Vinci'. Hindi pinansin ni Reyster sila Gabriel at umalis ito kaagad. Sinundan ni Gabriel si Reyster. Sumakay si Reyster sa isang taxi habang si Gabriel naman ay minabuting magtraysikel na lamang. Huminto si Reyster at Gabriel sa hospital. Naunang pumasok si Reyster at hinanap ang kwarto kung saan nakaconfine si Vinci. Binuksan ni Reyster ang pintuan ng kwarto ni Vinci at dito ay nakita niya ang nakaratay na si Vinci sa kama ng hospital. May mga doctor na chinecheck ang vitals ni Vinci matapos ito magkaseizure. 

"D-Doc? Ano pong nangyari sa kanya?" tanong ni Reyster sa doctor. 

"He experienced a seizure, accidentally na naplug ang kanyang life support machine, pero okay na ang lahat, I suggest na tutukan niyo siya. Kaano ano ho kayo ng pasyente?" tanong ng doktor kay Reyster. Sasagot na sana si Reyster pero dumating si Gabriel. 

"Kapatid po ako ng pasyente, kaibigan niya po ito." sabi ni Gabriel. 

"Oh sige, maiwan ko muna kayo, kung may problema ulit or changes sa pasyente pakisabi kaagad sa amin." sabi ng Doctor sabay alis sa kwarto. Naiwan si Gabriel at Reyster sa loob. Lumapit si Reyster kay Vinci at niyakap nito ang nakaratay na si Vinci. 

"V-Vinci, I'm sorry ngayon lang kita nabisita, I'm sorry.." iyak na sabi ni Reyster habang yakap yakap si Vinci.


"Pasensya ka na at di ko din kaagad nasabi, kailangan kasing maging pulido yung plano, para paggising ni Vinci may babalikan siyang mundo, na kahit na nahinto ang daloy ng mundo sa kanya, paggising niya natupad ko parin ang mga pangarap niya." paliwanag ni Gabriel.


"Anong balak mo?" tanong ni Reyster.


"ipagpatuloy ang nasimulan, ipanalo si Vinci hangga't di pa siya nagigising." sagot ni Gabriel.


"walang ibang gusto si Vinci kundi ang makasama daw ang kapatid niyang nasa abroad kaya siya nagsisikap na manalo, ngayon alam ko na kung sinong kapatid ang gusto niyang iuwi, ikaw pala yun. Para kay Vinci, tutulungan kitang maipanalo siya." sabi ni Reyster habang hawak hawak ang kamay ni Vinci. Tiningnan ni Gabriel si Reyster at kung gaano nito kamahal ang kapatid, di niya maipaliwang pero parang may nararamdaman siyang pagkalungkot. Lumabas si Gabriel ng kwarto at nakita si Onie na papaalis ng ospital.


"Onie?" tawag ni Gabriel kay Onie, habang nakatalikod kay Gabriel ay ngumiti si Onie na para bang plinanong makita siya ni Gabriel. Lumingon si Onie at nilapitan nito si Gabriel. 

"Uy, Gabby! Nandito ka rin pala? Binisita ko si Vinci, tumawag kasi yung ospital, nagkaseizure daw." paliwanag ni Onie.

"ah, salamat ha? Nagkaproblema kase sa studio, nalock kami ni Reyster sa CR." sagot ni Gab.

"Ha? Nalock kayo? Anong nangyari?" maang maangang tanong ni Onie.

"Alam niya na. Kasama ko siya ngayon, nandun siya sa kwarto."

"paano na yan? Ano nang gagawin niyo?"


"sabi niya tutulungan niya daw ako na maipanalo si chi, pero alam mo yun, parang napipilitan siyang ipagpatuloy ko yung pagpapanggap na si Vinci -- ewan ko ba Onie." napakagat sa kuko si Gabriel habang pinapaliwanag kay Onie ang di maintindihang saloobin nito.


"baka nagkakagusto ka na kay Reyster?" sabi ni Onie.


"ha? Ako nagkakagusto, di ah." tanggi ni Gabriel. "aalis na ako Onie, babalik akong studio, kailangan ko ihanda ang next performance ni Vinci." dagdag ni Gab sabay lakad sa taxing nakaparada. Napatawa na lamang si Onie sa tuwa, sumasang ayon ang lahat sa plano niya.


"Siguro favorite ako ni Lord? Kasama na daw si Reyster sa plano ni Gab sa pagpapanggap, that means, magsasama sila palagi, covering each other and might fall in love with each other, sige lang mga bobo, move according to my plan, sirain niyo pa si Malizon, I'm loving this game already!" sabi ni Onie sa sarili sabay tapon sa basurahan ng bulaklak na binili nito na para sana kay Vinci.


Habang nasa taxi ay di mapigilan ni Gabriel na mapaisip tungkol sa nararamdaman nito, bakit ganun na lamang siya kaapektado nung niyakap ni Reyster si Vinci, bakit kumirot ang dibdib nito at ano nga ba ang nararamdaman niya para kay Reyster. Isa lang ang sigurado siya, kung ano man ang nararamdaman niya, kailangan niya itong pigilan, para sa kapatid at sa pangarap ng kanyang kakambal.



- END OF VOLUME 1 -

Accidental SwitchWhere stories live. Discover now