CHAPTER 3 - EVERYTHING I DIDN'T SAY

224 11 11
                                    


Hindi maipaliwanag ang kaba sa dibdib ni Gabriel habang kaharap na nito si Reyster. Nagkatitigan ang dalawa. Magkaharap ang mga ito sa magkabilang sulok ng hallway, si Gabriel sa harap ng pinto at si Reyster sa labas ng pinto. Sa bawat hakbang ni Reyster ay isang hakbang paatras ang ginagawa ni Gabriel. Hindi alam ni Gabriel kung anong klaseng relasyon ba meron ang dalawang ito. Madali naman kumilatis ng tao si Gabriel pero pagdating kay Reyster, tila ba di nito nababasa ang isip nito.


"nakalock yung pinto, kaya kumatok ako." pabulong na sabi ni Reyster habang pinapasok ang cellphone sa kanyang bulsa. Humakbang muli ito at nagkalapit na nga ang mga mukha nito sa isa't isa. "ano yung sasabihin mo?" tanong ni Reyster.


"h-ha? anong sasabihin? may sasabihin ba ako?"


"nagmessage ka sa akin nung nakaraang linggo, sabi mo may sasabihin ka." sagot ni Reyster habang pinapakita ang message nito sa instagram. Napalunok si Gabriel dahil wala talaga itong idea kung ano ang gustong sabihin ni Vinci. Nag-isip ito ng pwedeng I-alibi kay Reyster. Magsasalita na sana si Gabriel nang biglang may dumating na hulog ng langit.


"OI! REYSTER! NANDITO KA LANG PALA! PWEDE PASUYO? PAHIRAM NAMAN AKO NG EYELINER MO FOUNDATION MO, NAUBUSAN AKO SA ROOM! PROMISE BABALIK KO DIN KAAGAD!" malakas na sabi ni Onie habang inaakbayan si Reyster. Tinitigan ni Onie si Gabriel para umalis at iligtas ang sarili sa sitwasyong kinaiipitan. "uhm, you know what Reyster, samahan mo muna si Onie, pahiramin mo muna ng foundation and I'll tell you after, may pupuntahan din kasi ako sa, uhm, sa photo studio, naiwan yung necktie ko. Bye!" sabay karipas ng lakad ni Gabriel.


"Vinci!" tawag ni Reyster habang nakaakbay si Onie sa kanya.


Napatigil ng lakad si Gabriel ng tawagin ito ni Reyster. Napailing si Gabriel bago harapin si Reyster. Ngumiti ito at humarap. "yeah? w-what is it?" sagot ni Gabriel. "ahhh.. di diyan ang daan papuntang photo studio, dito sa kabila." sagot ni Reyster. Napangiti na lamang awkwardly si Gabriel at tumango. "My bad, thank you uhm, Reyster!" sabi ni Vinci tsaka lumakad sa tamang direksyon ng photo studio.



Habang naglalakad papunta ng photostudio, binuksan ni Gabriel ang phone ni Vinci at naghanap ng posibleng impormasyon tungkol kay Vinci at sa mga whereabouts nito sa show. "sino ba kasi si Reyster sa'yo Vinch, mapapahamak tayo dito eh, boypren mo ba 'to? Ba't di mo kinwento sakin? Buti na lang at nandito si Onie." sabi ni Gabriel habang tinitingnan ang litrato ni Vinci sa cellphone. Kung wala si Onie ay malamang nabuko at nabulilyaso na ang plano nila para kay Vinci.


5 minutes ago


"OH SHIIIII-- WHAT DO I DO!" bulong ni Gabriel sa sarili. Nagscroll sa cellphone contacts si Gabriel at tinawagan si Onie. Nagriring ang other line from Onie at bigla naman itong pinick-up.


"ONIE! NASAAN KA! I NEED YOUR HELP!"

{Onie: Ano na namang nangyayare? Nabuko ka ba?}

"Papunta yung Reyster dito, apparently, may usapan sila ni Vinci, may sasabihin daw si Vinci sa kanya, anong gagawin ko?"

{Onie: Kumalma ka, pupunta ako diyan. Just don't say anything! Papunta na ako!}


Present Time


Papasok na si Gabriel sa photo studio nang may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ng kapatid niya. "Vinci?" napalingon si Gabriel at nakita ang nanay nitong may dala dalang paper bags na naglalaman ng damit. Nagulat si Gabriel sa kanyang kaharap, mahigit limang taon na din nung huling pagkikita ng mga ito at di pa maganda ang naging huling pag-uusap ng mga ito. Biglang tumakbo si Gabriel at niyakap nang mahigpit ang ina. "I missed you so much Ma!" sabi ni Gabriel habang yakap yakap ang ina. "Miss ka na din namin, tsaka saan ka ba nagpunta at di ka umuwi ng isang linggo sa bahay?" Hindi nakasagot si Gabriel at nagpatuloy pa din sa pagyakap sa kanyang ina.



"Anak okay ka lang ba?" pakunot noong tanong ng nanay ni Gabriel.


Pinilit ni Gab na ayusin ang sarili bago pa maghinala ang ina nito. Pinigilan nito ang luha sa pagpatak at hinarap ang ina nito bilang si Vinci, ang anak na kinikilala pa rin ng kanyang nanay Violeta*.


"Ah, o-opo ma, ayos lang ako, kayo ho ba? Kamusta sila ate? Si Dad? Pasensya na at di na ako nakapagpaalam sa inyo na dumiretso na ako dito sa dorm, medyo madami din kasing hinihingi yung production na oras para sa pilot kaya dumito na ako. Tsaka ano pala yan ma?" sagot ni Gab sa ina nito habang tinuturo ang paper bags na dala nito.


"Ah? Eto ba? Mga damit mo 'to, ikaw ang nag impake nito eh, nakalimutan mo yata kaya dinala ko na dito, tsaka may field medical mission kami sa karatig bayan kaya dinaan ko na dito. Di rin ako magtatagal anak at nasa labas din kase yung vehicle, nag aantay sa akin, kung may kelangan ka pa, sabihan mo sila ate mo. Love you nak!" sabi ni Violeta sabay yakap sa anak nito. Bumeso ito sa anak bago iabot ang mga gamit nito kay Gab. Papaalis na ang ina ni Gab nang tawagin niya ito para may ihabol na tanong.


"Ma? Si G-Gab po? Nakausap mo po ba siya lately?" tanong ni Gab sa kanyang ina bilang si Vinci. Natigil si Violeta sa paglalakad at humarap muli sa anak at lumapit.


"I don't know what's happening lately to your brother, simula nung umalis siya di na siya nagparamdam. I don't even want to think about it, siguro masaya na siya sa Australia. Hindi na nga siguro ako kailangan nun kase nga diba ayaw niyang dinidiktahan ang buhay niya, ayaw niya ako bilang ina niya. Kayo ba? Nagkakausap ba kayo?" sagot ni Violeta sa kanyang anak.


Hindi alam ni Gab na labis pala ang sakit na naidulot nito sa ina nung ito ay nagdesisyong umalis at lisanin ang pamilya para magsariling sikap para mag aral sa Australia. Sinunog pala nito ang tulay pabalik sa kanyang ina. Bago pa maging emosyonal si Gab ay kinibit balikat nito ang kanyang personal na damdamin at muling hinarap ang ina sa katauhan ng kanyang kakambal.


"W-wala po akong balita sa kanya ma. Salamat pala dito ma ha?" sagot ni Gabriel sa ina. Ngumiti si Violeta at hinawakan sa pisngi ang anak. Lumakad na ito paalis at pinagmasdan ni Gabriel ang inang sumakay sa sasakyan. Napangiti si Gabriel habang pinagmamasdang umalis ang sasakyan. Napaisip ito na kahit na sa katauhan ni Vinci, naranasan man nitong masabihang mahal siya ng ina at may pag aalala itong binigay sa kanya, iniisip nito na sana ganun din ang pagmamahal na ibigay sa kanya bilang si Gabriel Malizon. Lumakad na pabalik ng dressing room hallway si Gabriel para bumalik sa room nito habang tinitingnan ang laman ng paper bag, hahakbang na sana ito papunta sa dressing room niya ngunit nabangga ito ng isang lalaking may mataas na buhok. Napaigik si Gab sa sakit ng mahulugan ito ng sapatos sa ulo na nanggaling sa loob ng paperbags na dala nito. Tumayo si Gab at sinigawan ito ng lalaking nakabunggo sa kanya.


"TUMINGIN KA NGA SA DINADAANAN MO, HINDI MO PAG AARI ANG HALLWAYS! NANGGAGAMBALA NG TAO---- wait a minute, Vinci??" Huminahon ang lalake pagkakita na si 'Vinci' pala ang nakabangga nito. Tiningnan ni Gab ang nametag nito sa dibdib at ang nakalagay ay 'RON'.


"ay pasensya na uhm, Ron. I didn't mean to, and also my bad I wasn't looking sa dinadaanan ko. Sorry." yumuko si Gab at nagpatuloy sa paglakad. Agad na hinabol ni Ron si 'Vinci' at hinawakan ang balikat nito.



"Wait, Vinci! 'to naman napakamatampuhin, sorry na, di ko naman alam na may dala kang paper bags. Saan ka pupunta? Parang di tayo magkakilala ah? Hello? Ako to oh? Ron? Isang linggo kang nawala, anong nangyari? Give me the tea! Tara sa cafeteria, libre kita Energen!" hinila ni Ron si Gab na may dala dalang paper bag pa rin. Hindi alam ni Gab kung anong gagawin at kung sino na naman si Ron sa buhay ni Vinci, lalo na't ngayon ay di nito naabisuhan si Onie sa sitwasyong kinaiipitan na naman nito.



-END OF CHAPTER 3-


*I changed the names of the parents, the sibling and maybe some name of the celebrities to impose that this story is just a work of fiction.

Accidental SwitchWhere stories live. Discover now