"Hindi 'yan sa 'kin." Turan niya kaya kumunot ang noo ko.

"Kanino?" Tanong ko.

"Kay Jack." Sagot niya at tinaasan pa ako ng kilay. Alam kong kasalanan niya na naman kung bakit hindi niya kasama si Jack Jendrick ngayon. Inirapan ko na lang siya. At least may binigay pa rin na regalo kahit wala siya.

Bago kami tuluyang umuwi ay marami pang kuhanan ng litrato ang naganap. Dahil alam kong mananatiling nakaraan na lang ang araw na 'to sa paglipas ng panahon. Kaya huwag nating sayangin ang mga pagkakataon na ganito. Iyong masaya ang lahat.

Pagkatapos ng graduation program ay agad na rin kaming kumain sa labas. Hindi na rin nakasama sina Jasmin at Mojica dahil may kaniya-kaniya rin silang handa.

Gabi na nang makauwi kami at agad akong dumiretso sa kuwarto at nagbihis. Pagkaraan ay nakita ko ang nag-iisang regalo na bigay ni Jack Jendrick sa akin. Agad akong napangiti nang isa pa ring relo ang regalo niya sa akin. Bigla kong naalala ang sinabi niya noong nakaraan kung gusto ko ng isa pang relo para may salitan ako.

May nakita rin akong papel sa ilalim at may sulat kamay roon mula sa kaniya.

Congratulations, Ki! Keep moving forward hanggang sa makuha mo ang gusto mo sa buhay. I'm so proud of you always.

Jack Jendrick

Agad akong napangiti nang mabasa ko iyon. Hindi ko alam pero kahit hindi siya nakapunta sa graduation ko ay masaya pa rin ako. Masaya ako sa regalo at sa message niya. Doon pa lang ay sapat na. Paano pa kaya kapag naroon siya.

Muli kong ibinalik sa maliit na box ang relo at pati na rin ang message letter niya sa maliit na paper bag at itinago ko iyon sa kabinet ko. Pagkaraan ay agad na akong humiga at niyakap ang unan ko at parang baliw na nakangiti habang nakatingin sa kisame ng kuwarto ko.


Kuwarto, kusina at sala lang ang pinupuntahan ko nang mag bakasyon na. Nagsisisi tuloy ako dahil bakasyon na. Ang akala ko ay kapag walang pasok ay makakagala na ako ngunit mali. Mukhang makukulong pa ako rito sa bahay.

"Pero, ma, hindi ko siya puwedeng isama." Rinig kong reklamo ni Kuya Edward habang pababa ako ng hagdan.

"Alangan naman iwan mo 'yong kapatid mo rito mag-isa. Bibigyan ko naman siya ng pera para hindi na siya humingi sa 'yo basta isama mo lang." Sagot ni Mama. Agad akong lumapit sa kanila sa sala kaya napatingin silang dalawa sa akin.

"Anak, sasama ka ba sa Kuya Edward mo mamaya?" Tanong ni Mama.

"Saan po?" Tanong ko.

"Sa mall. Bibili 'yan ng regalo niya sa birthday ng Kuya Jack mo." Turan niya. At para akong nabuhayan ng loon dahil sa narinig. Birthday ni Jack Jendrick? Kailan?

"Opo, ma, sasama po ako." Mabilis kong sagot. Masama naman ang tingin sa akin ni Kuya Edward.

"O sige. Bibigyan kita mamaya ng pera at huwag ka ng humingi sa kuya mo. Bumili ka ng gusto mo roon." Wika ni Mama na ikinangiti ko.

"Ako, ma, hindi mo ba ako bibigyan?" Tanong ni Kuya Edward.

"Binigyan ka na ng Papa mo, hindi ba?" Tugon ni Mama. Napakamot na lang ng ulo si Kuya Edward na ikinangiti ko.

Agad namang umalis si Mama at pumunta sa kuwarto niya kaya naiwan kami ni Kuya Edward sa sala. Masama pa rin ang tingin niya sa akin.

"Dapat hindi ka na sumang-ayon." Masungit niyang sabi.

"Kailan ang birthday ni Jendrick?" Tanong ko.

"Bakit?" Tanong niya.

"Puwede mo ba akong isama sa birthday niya?" Tanong ko.

Be My Endgame Where stories live. Discover now