"At proud chismoso ka pa talaga?"

"Lorraine, let's go!" Narinig kong tawag sa akin ni Lee. Kaya binilisan ko na ang paglalakad.

"Before we carry on with our conversation, let's take care of the hungry pangs in our bellies." Bungad niya pagkarating ko. Nasa may paakyat na kami ng bundok.

"Nah, I'm good we can talk now," Biglang kumulo ang tiyan ko. Senyales na gutom na ako. Napaka-wrong timing naman ng tiyan na ito.

"Come on, Lorraine. We can talk while we are heading back to the hotel." Napatango na lang ako wala naman na akong magagawa pa.

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa hotel. Hindi siya umiimik kaya hindi rin ako umimik.

Pinagmasdan ko na lang muli ang paligid. Magiisang buwan na rin pala kami dito sa Calaguas ang bilis talagang lumipas ng araw. Kapag bumalik na ako ng Manila ay una kong hahanapin ay ang sariwang hangin. Ang mga bundok na natatabunan ng ulap. Ang matatayog na puno ng niyog na kung nasa manila ay puro building ang makikita. Ang mga sariwang pagkain na galing sa tubig-alat.

Naalala ko din noong unang araw namin dito, ang daming mga bata ang sumusunod sa amin. Kaso nga lang hindi sila makalapit dahil pinipigilan sila ng mga body guard.

Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko na parang may sumusunod sa akin. Ilinibot ko ang paningin ko at nagmasid. May nakita akong iilang bata na sumusunod sa amin. Napabuntong hininga naman ako. I was just paranoid. Nakaka-guilty naman na pagisipan mo ng masama itong mga inosenteng batang ito. Baka dahil sa gutom lang kaya ganito.

Napatigil rin si Lee sa kanyang paglalakad. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"Anong meron? Bakit ka tumigil?" Hindi ko sinagot ang tanong niya. Umiling lang ako at naglakad ulit.

"Hey, Raine. You okay?" Pangungulit pa nito sa akin. Bumuntong hininga ako bago sumagot.

"Hmm, I'm good. Gutom lang siguro that's why." Mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Kaya ngumiti ako ng pilit.

"Don't worry, I'm doing great! Don't be bothered." Mukhang hindi pa rin siya kumbinsido kaya nauna na lang akong naglakad. Naiilang akong lumapit sa mga lalaki ngayon dahil kapag lumalapit ako sa mga lalaki baka isipin na naman ng mga tao na ang landi ko.

Hindi mawala ang pangamba ko, may naramramdaman rin akong sumusunod sa akin. Hindi ko na lang ulit ito pinansin. Nakatingin pa rin ako sa paligid dahil napa-praning. Pinipilit kong ituon ang pansin ko sa dinaraanan. Bakit pakiramdam ko wala akong kwentang tao? Ang hirap pala ng sitwasyon ko.

Nagulat ako nang may biglang humila sa braso ko. Halos manginig ang tuhod ko. Buti na lang ay may sumuporta sa likod ko kaya hindi ako natumba. Sa lahat ng tao siya ang ayaw kong makita. Bumalik lahat ng sakit, pangamba, at takot ko. Ang sakit palang makita ang taong dahilan kung bakit pakiramdam mo wala kang kwenta.

"Please anak kausapin mo ko."

"SAAN KA NA NAMAN BA GALING!?"

"WAG MO KONG SIMULAN PAGOD AKO"

"YAN DYAN KA MAGALING. SA IBANG TAO PAANO NAMAN KAMING PAMILYA MO?"

Katahimikan ang naghari sa buong kwarto.

Tahimik akong umiiyak sa gilid ng pintuan. Bakit sila laging nagaaway? Sabi sa church dapat laging love pero bakit sila laging war?

Malakas na pagkabasag nang kung ano mula loob ng bahay ang nagpatayo sa akin. Patakbo akong lumapit at yinakap si mommy. Malakas na iyak namin ni mommy ang naririnig sa buong kwarto.

Chasing A Masungit ManWhere stories live. Discover now