[ 39 ] Best friend and Girlfriend

Start from the beginning
                                    

Agad na pinutol ni Gab ang tawag at tumingin siya kay Jin.

"Gab, may problema ba? Sinong nawawala?" tanong ni Jin.

"Lasing si Mika at nawawala siya. Kailangan natin siyang hanapin."

"Okay. Let's go."

Nagmadali silang bumalik sa sasakyan at madaling nagdrive si Gab pabalik ng Maynila. Nagaalala siya para sa kaibigan. Ngayon lang kasi ito naglasing ulit. Alam niya na matapang na babae si Mika at pinipilit nito na kayanin at harapin ang lahat ng problema niya pero kapag naglasing na ito at nagpakalayo layo, alam niya na hindi na nito kaya ang problema. Hindi kasi naglalasing si Mika ng basta basta. Pilit niyang tinatawagan ang phone ni Mika pero hindi ito sumasagot.

Tahimik lang sa sasakyan si Jin at nakatingin sa labas. Hindi niya gusto ang nangyayari.

'Masaya dapat kami ngayon pero sinira na naman ni Mika.' Nasabi niya sa sarili.

Inis na inis siya pero pinipilit niya na 'wag itong ipahalata kay Gab. Alam niya kasi na matalik na kaibigan ni Gab si Mika at concerned ito sa kanya pero hindi niya nagustuhan na hindi man lang inisip ni Gab kung okay lang ba sa kanya na bigla silang umalis doon.

'Pipilitin ko na lang siyang intindihin. Iisipin ko na lang na kunwari si KL ang may problema at alam ko na kapag ganun, uunahin ko din siya bago si Gab.' Naisip niya.

Tiningnan niya si Gab at nakita niya na paulit ulit nitong tinatawagan si Mika at napansin niya sa mukha nito na naiinis na siya. Mabilis din ito magpatakbo ng sasakyan.

"Are you okay?" tanong ni Jin.

"Hindi ako okay. Hindi niya sinasagot 'yong tawag ko."

"Do you really care about her?"

"Kaibigan ko siya at alam ko na kailangang kailangan niya ako ngayon."

"Mag-ingat ka sa pagdadrive baka maaksidente tayo."

Hindi alam ni Jin kung ano ba ang sasabihin niya. Ayaw niya din naman na magtalo sila ni Gab dahil kay Mika. Gusto niyang maging madamot pero hindi niya magawa.

'What about me? Kailangan din kita, Gab.' 'Yan ang mga salita na gusto niyang sabihin pero hindi niya masabi. Ayaw niya na magtalo sila kaagad nito lalo na at kakabalikan pa lang nila. Naisipan niya naman na itulog na lang ang inis.

Nang makarating sila sa lugar kung saan naisip ni Gab pumunta si Mika, nakita niya kaagad ang sasakyan nito pero hindi niya nakikita si Mika. Napatingin siya kay Jin at hindi niya napansin na nakatulog na pala ito. Mahimbing ang tulog ni Jin kaya naisipan niya na 'wag na lang itong gisingin. Bahagyang binuksan ni Gab ang bintana para hindi masuffocate si Jin sa loob ng sasakyan at saka siya lumabas para hanapin si Mika. Nakita niya itong nakaupo sa harap ng sasakyan at umiiyak.

"Mika.."

"Marc, how did you?--"

"Hindi ako si Marc. Ako 'to, si Gab."

Dahil sa pagkahilo ni Mika, akala niya ay si Marc ang nasa harapan niya. Hindi niya kasi inaasahan na biglang darating si Gab para sa kanya. Hindi nito hawak ang cellphone niya kaya hindi niya alam na tinatawagan siya nito.

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now