"Ano 'yan?" Tanong ko.

"Libro. Merong horror books at iba pa na puwede mong basahin." Sagot niya. Agad kong inabot iyon at sinilip ang loob at tama nga ang sinabi niya. Pero hindi ko na rin mapapahiram si Jack Jendrick ng mga horror na libro dahil pinagbawalan na ako ni Kuya Edward na lumapit sa kaniya. 

"Para saan ang mga 'to, Lennox? Tapos na ang birthday ko at meron ka namang regalo na binigay kaya okay na 'yon." Wika ko.

"Hindi ko na kasi madadala ang mga 'yan sa Quezon." Sagot niya na ipinagtataka ko.

"Quezon? Anong gagawin niyo roon?" Kunot noong tanong ko.

"Lilipat na kami roon. Lilipat na rin ako ng school kaya huling pagkikita na siguro natin 'to kaya ngayon ko na binigay sa 'yo ang mga 'yan." Sagot niya.

"Sure ka na ba? Hindi na ba magbabago ang isip niyo?" Tanong ko na ikinatawa niya.

"Hindi na. Bakit, nagkakagusto ka na ba sa 'kin at ayaw mo na akong paalisin? Sabihin mo lang at magpapaiwan ako." Natatawa niyang sabi na ikinangiti ko.

"Hindi ko alam na assuming ka pala." Nakangiti kong sabi.

"Biro lang. Ayokong maging malungkot ang pagpapaalam ko sa 'yo kaya pinapatawa lang kita." Nakangiti niyang sabi.

Naging mabuting kaibigan din siya sa akin. Kahit na umamin siya ng nararamdaman niya at kahit hindi kami parehas ng nararamdaman ay hindi siya nagbago. Siya pa rin ang Lennox na nakilala ko noong una.

"Basta huwag mo kaming kakalimutan, ah. Baka kapag nagkita tayo sa susunod ay hindi ka na namamansin." Pagbibiro ko.

"Grabe ka naman. Paano ko makakalimutan ang ganiyan kagandang mukha." Turan niya na ikinatawa ko.

"Tama na 'yang pambobola mo. Pero thank you sa mga libro. Huwag kang mag-alala aalagaan ko ang mga 'to." Wika ko.

"You're always welcome, Kiera. Basta kapag may problema ka ay huwag kang mahiyang tawagan ako sa messenger. I'm always here for you." Sabi niya at ngumiti. Tumango lang ako.

"Thank you, Lennox. Thank you dahil naging kaibigan kita." Sabi ko.

"Thank you rin, Kiera. Sige na, balik na ako sa classroom. Sabay na lang ako mamaya sa inyo palabas ng school." Paalam niya na ikinatango ko. Kumaway siya bago tuluyang naglakad at umakyat nang hagdan patungo sa classroom niya.

Bumalik na rin ako sa upuan at nakatingin ang dalawa sa bitbit kong paper bag.

"Ano 'yan?" Tanong ni Mojica nang umupo ako.

"Libro." Maikli kong sagot.

"Bakit binigay ni Lennox sa 'yo?" Tanong ni Jasmin.

"Lilipat na raw sila ng bahay sa Quezon kaya binigay niya na ang mga 'to sa akin." Sagot ko.

"Ay sayang naman wala ng masisilayan si Jasmin." Pang-aasar ni Mojica kay Jasmin kaya sinamaan siya nito ng tingin.

"Bakit ko naman sisilayan 'yon? Sa yabang no'n." Inis na sabi ni Jasmin na ikinatawa ni Mojica. Ang hilig niyang asarin palagi si Jasmin at inis na inis naman itong isa.

"Nako, ayaw pang aminin na gusto si Lennox." Mahinang sabi ni Mojica at sapat lang upang marinig ko iyon kaya napatingin ako sa kaniya.

Anong ibig niyang sabihin? Na may gusto si Jasmin kay Lennox?

Nanatiling tahimik si Jasmin sa tabi ko habang hawak ang kaniyang selpon at abala roon sa mga pinapanood.

Pagsapit nang hapon ay sabay kaming tatlo na lumabas ng classroom at paglabas ay naroon na agad si Lennox kasama ang boyfriend ni Mojica.

Be My Endgame Where stories live. Discover now