Medyo marami pang inihandang program ngayong gabi. Ngunit ang hinihintay ko ay ang makasayaw si Jack Jendrick. Hindi man siya ang last dance ko ngunit masaya na ako na masasayaw niya ako sa pinaka importanteng gabi kong ito.

Isa-isa rin silang nagbigay ng mensahe sa akin. Pinipigilan kong hindi umiyak sa mga sinasabi nila dahil sayang ang make up ko.

"Pakinggan natin ang mensahe ng isang Kuya Edward!" Pasigaw na sabi ng host. Agad na lumapit si Kuya Edward sa akin habang may dalang microphone.

"Happy birthday, Ki. I hope that you're happy tonight. Lagi mong tandaan ang sinasabi namin nila Mama at Papa na huwag munang mag boyfriend. I already know your secret and don't worry hindi ko ipagsasabi kahit kanino. Kahit sa kaniya pa. I'm always here if you need as your older brother. Again, happy birthday." Seryoso niyang sabi na mas ikinakaba ko. Anong ibig niyang sabihin? Anong secret ko ang alam niya na? Peke siyang ngumiti bago binigay ang regalo niya para sa akin.

"Thank you." Mahina kong sabi at inabot ang regalo niya.

May mga sumunod pang nagbigay ng mensahe para sa akin ngunit hindi ko na naiintindihan ang pinagsasabi nila dahil sa sinabi ni Kuya Edward. Tungkol ba iyon sa sinabi kong crush? Alam niya na ba kung sino ang tinutukoy ko? Ngunit paano niya nalaman?

Nang matapos na ang pagbibigay ng mensahe ay lihim akong natuwa dahil maisasayaw ko na si Jack Jendrick. Ang una kong sinayaw ay si Papa. Nakangiti siya habang sumasayaw kaming dalawa sa gitna

"Happy birthday, nak." Nakangiti niyang sabi kaya ngumiti na rin ako.

"Salamat, Pa. Thank you po sa lahat." Turan ko.

"Wala 'yon. Makita ka lang namin ng Mama mo na masaya ay masaya na rin kami. Mag-enjoy ka ngayong gabi dahil birthday mo." Wika niya na ikinatango ko.

Nang matapos niya akong isayaw ay meron namang pumalit. Halos lahat ay mga pinsan ko lang din kaya konportable ako. Minsan ay inaasar pa ako ngunit imbis na magalit ay natatawa na lang.

Halos sumasakit na rin ang paa ko sa kasasayaw ngunit hindi pa rin tapos.

"Hi." Napatingin ako kay Lennox nang iabot niya ang isang pulang bulaklak. Isinama ko siya sa eighteenth roses ko dahil naging kaibigan ko rin naman siya kahit papaano.

"Hi." Bati ko at inabot ang bigay niyang bulaklak. Pagkaraan ay nagsimula na rin kaming sumayaw.

"Happy birthday, Kiera. Sana maging masaya ka palagi. Nandito lang din ako kapag kailangan mo. Nga pala ang ganda mo ngayon." Seryoso niyang sabi.

"Thank you, Lennox." Turan ko at ngumiti. Ilang sandali pa kaming nagsayaw hanggang sa natapos at agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang makita si Jack Jendrick na papalapit sa kinatatayuan ko habang may hawak na bulaklak.

"Can I have this dance?" Mahina niyang sabi at sapat lang upang marinig ko. Agad niyang binigay sa akin ang bulaklak na hawak niya at nagsimula kaming sumayaw.

Diretso ang tingin niya sa akin ngunit hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya. Hindi ko kayang magsalita o ngumiti man lang sa kaniya dahil sa sobrang kaba.

"Are you okay, Ki?" Tanong niya na agad naman akong tumango at pilit na ngumiti sa kaniya.

"Oo. Medyo masakit lang ang paa ko." Turan ko.

"Don't worry, last dance mo na ang kuya mo. Makakapag pahinga ka na rin pagkatapos." Nag-aalala niyang sabi.

Puwede bang ihinto muna ang oras para makasama ko pa siya nang ganito kalapit? Maisayaw ko pa siya nang matagal. Dahil kahit kailan ay hinding hindi ako magsasawang makasama siya nang ganito. Hinding hindi ako magsasawang titigan siya. At hinding hindi ako magsasawang mahalin siya.

Be My Endgame Where stories live. Discover now