Chapter 8.2

145 5 0
                                    

"Ibang pagkain ang gusto ko..." Tumaas ang gilid ng kaniyang labi. Naroon na naman ang kakaibang kislap sa kaniyang mga mata.
Marahan akong bumangon. "Sandali. Gagawa na lang ako ng miryenda natin," sabi ko.
Itinukod niya ang siko sa kama habang nakahiga pa rin siya nang patagilid. Nakagat ko ang aking labi nang bumaba ang tingin ko sa kaniyang pagkalalaki. He's long and so hard. Hindi ko maubos-maisip na nagkasya sa akin ang bagay na iyon.
Nang dumapo ang tingin ko sa mukha ni Rafael ay nahuli ko rin siyang pinaglalandas ang mga mata sa hubad kong katawan. Bigla akong nahiya kaya agad kong pinulot ang polo niya sa sahig at isinuot iyon.
Rafael exhaled sharply. "Damn it! Ngayong suot mo iyang damit ko, nakakatukso ka lalo!" Bumalikwas siya at muntik nang mahuli ang kamay ko. Mabuti at nakaatras agad ako.
Natatawa akong tinungo ang pintuan. "Babalik ako. Mabilis lang," paniniguro ko.
Rafael grumbled and scratched his head. Nanginit ang pisngi ko nang matutok muli ang mga mata ko sa nakatayo niyang alaga. Naka-Indian sit na kasi siya at parang gumagalaw iyon sa gitna ng kaniyang mga hita.
Tumakbo na ako at iniwan siya upang tunguhin ang kusina. Hinawakan ko pa ang dibdib ko upang pakalmahin ang malalakas na pagkabog.
Habang gumagawa ng miryenda namin ay sari-saring imahe ang sumasagi sa isip ko. An image of Rafael kissing me. An image of him making love with me. Iyong naglalandas ang kamay niya sa buo kong katawan. Wala yatang parte na hindi niya nahawakan.
Inamoy ko ang suot kong damit niya. Tumayo agad ang mga balahibo ko. Nakahihiyang aminin na nababasa ang maselang parte ng katawan ko habang iniisip ko iyon.
Binalaan naman niya ako kanina. A mind-blowing sex. I felt wanted and desired just by the look in his eyes. Hindi ko lang alam kung tama ba ang mga ginawa ko? Kung nagustuhan ba niya? Mayroon pa bang dapat malaman? Mayroon pa ba siyang ituturo na mas matindi kaysa sa ginawa namin?
Tinutok ko ang konsentrasyon sa ginagawa at maraming beses na ipinilig ang ulo. Nasa loob ng kuwarto ko si Rafael Monte Carlo! Hindi ko siya dapat paghintayin nang matagal.
Inilalagay ko na sa bandehado ang miryenda namin nang may yumakap sa balakang ko mula sa aking likuran.
"Ang tagal mo..." Hinalikan ni Rafael ang batok ko. Napapikit agad ako.
"H-Handa na. Puwede na tayong kumain," sabi ko, subalit nakapikit pa rin. Nakaaadik ang halik niya.
Iniharap ako ni Rafael sa kaniya. Hinawakan niya ng dalawang kamay ang panga ko para halikan ang labi ko. Sobrang tamis ng kaniyang halik.
Lumaki ang mga mata ko nang may maramdaman akong kumikislot sa tapat ng puson ko. Pagbaba ng tingin ko ay napanganga ako dahil tila porn star si Rafael na walang saplot at nakatayo rito sa loob ng kusina. Namura ko tuloy siya nang malutong, "Tangina, Rafael! Magdamit ka nga. Nakabukas ang mga bintana!"
Tumawa siya habang inilalagay ang dalawang kamay sa kaniyang baywang. "Madaling araw na. Tulog na ang mga kapitbahay mo," pilyong sabi niya.
Pumapadyak akong itinulak siya at nagmadali upang isarado ang lahat ng bintana. Pinanood lang niya ako at hindi nagbago ang kaniyang tindig. Sinasadya niyang itanghal ang kaniyang katawan. Palibhasa, wala siyang dapat ikahiya dahil para siyang Greek God na namamasyal sa apartment ko. This man is seducing me!
Tinakbo ko na rin ang pintuan upang siguruhin na nakakandado nga ito. Mahirap na at baka may ibang makakita at agawin ang Greek God ko!
Natigilan ako. Ano ba itong naiisip ko? Hindi siya sa akin. I have to remind myself that he doesn't do relationships; he's not into love.
Ipinilig ko ang ulo habang hawak ang kandado ng pinto. Love. Masyadong mabigat na salita. Hindi ko dapat iniistima ang ganoong salita, kahit pa sa isip lamang.
"Huli ka!" Napapitlag ako nang bigla akong yakapin ni Rafael mula sa aking likuran.

Teach Me, Use MeWhere stories live. Discover now