Prologue

481 7 0
                                    

Teach Me, Use Me
Mar Mojica

~~~

NASA sala ko na naman si Rafael. Bakit ba siya lapit nang lapit? Baka maubos na ang pagpipigil ko!
May suot na 'kong bra at medyo makapal na rin ang itim na t-shirt na ipinalit ko. Nakapamulsa si Rafael nang lumabas ako. Agad na lumandas ang kaniyang mga mata sa buo kong katawan. Parang inieksamin kung tama na ba itong suot ko.
Niyakap ko ang sarili. "Anong pag-uusapan natin?" tanong kong nababalisa dahil sa pagtitig niya.
"Wala kang ibang kasama rito?" usisa niya.
"Kailangang bumalik ni Aida sa Iba dahil tinamaan din ng masamang panahon ang taniman nila. Babalik siya rito pagkatapos ng isa o dalawang buwan," paliwanag ko.
"Ganoon katagal kang nag-iisa rito?" Kumunot ang kaniyang noo.
"Kaya ko naman ang pagbabayad. Dahilan din iyon kaya naghahanap ako ng mapapasukan."
"Hindi iyon ang punto ko," yamot na wika ni Rafael.
"Eh, ano?" nagtatakang tanong ko.
"Nag-iisa ka. Maraming loko riyan."
"Hindi ako natatakot sa kanila." Ikaw nga, kaya kong pakiharapan. May mas nakatatakot pa ba bukod sa 'yo, Rafael?
Bumuntonghininga siya. "Ako naman ang matatakot na baka may mangyaring masama sa 'yo!"
"Galit ka?" Para kasing sinisigawan na niya ako.
Pumikit siya at tila nagbilang sa kaniyang isip ng isa hanggang tatlo bago muling nagsalita, "I'll do something about that." Medyo mahina ang sinabi niya at hindi ko masyadong narinig kaya tinanong ko na kung ano ba talaga ang ipinarito niya.
"I want to apologize," simula ni Rafael.
"For what?"
"Hindi dapat kita hinalikan..." Matapang siyang nakatingin sa akin.
Parang pumait ang panlasa ko sa narinig.
"Damn! Ni hindi dapat kita hinawakan!" mariing pahabol pa niya. Hinagod niya ang buhok na parang sising-sisi sa kaniyang nagawa.
Ganoon ba ako hindi karapat-dapat halikan? O hawakan ng isang Rafael Monte Carlo? Nakakadiri ba 'ko?
Kinagat ko ang aking labi at nag-iwas ng tingin. Nakaiinsulto siya. Nakakasakit na siya.
"Umalis ka na, Rafael..." mariin kong sabi.
Hinarap niya ako. "Maze, please—"
"Sabi ko, umalis ka na!" Diniinan ko ang bawat salita.
"You don't understand!" Tumaas na rin ang boses niya. Hindi ko akalaing nagtatalo kami ngayon nang ganito.
"Alin ang hindi ko maintindihan?" nagsisintir kong tanong. Muli akong tumitig sa kaniya. Sobrang init ng pakiramdam ko sa inis mula ulo hanggang paa.
Humakbang siya palapit sa kinatatayuan ko. Hindi ako kumilos at hinintay ang kaniyang paliwanag.
"I don't do relationships," tugon niya.
"You don't do relationships o ayaw mo sa mga probinsiyanang kagaya ko?" matapang kong tanong habang umaalon sa yamot ang dibdib.
Pumikit siya at nagbuga ng hangin saka muling nagmulat. "Hindi sa ganoon, Maze. Pareho lang tayo ng pinanggalingan. Pero may mga bagay na–."
"Bagay na ano?" taas-noong tanong ko. Unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko dahil sa namumuong tubig. "Manghihingi ba 'ko? Hindi mo ba naitanong sa sarili mo kung nagustuhan ko ba 'yong halik mo? Na maghahabol ako kung may mangyari sa 'tin? Paano kung gusto ko lang? Gusto kong may humawak sa katawan ko? Na may lalaking makatabi sa kama? Na gagawin ko 'to dahil gusto kong matuto ng mga ganoong bagay?"
"Bakit hindi si Toby ang tawagin mo?" Biglang nanlisik ang mga mata ni Rafael. Pero hindi ako natatakot sa kaniya.
"Iniwan niya 'ko, Rafael..." Pumatak ang luha sa isang mata ko. Hindi ko mapigilan dahil sa sobrang inis at awa ko sa aking sarili. "Nakalimutan mo na ba? Wala na kami. At gusto kong patunayan sa kaniya na mayroon akong alam. At kung magbabalik siya..."
Napayuko ako dahil tuloy-tuloy na ang pagdaloy ng tubig sa mga mata ko. Hindi ko nais na makita ni Rafael na mahina ako ngunit... Napamura ako sa isip ko dahil sa kaniya ko gustong matuto. Hindi kahit kanino! At kung magbabalik si Toby, ipamumukha ko sa kaniyang hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Nandiyan si Rafael.
"W-What do you want me to do, Maze?" usal niya.
Nang tingnan ko siya —kahit hilam ako ng luha— ay mababanaag ang lungkot sa mukha ni Rafael. Nahihirapan siya. Alam ko, kagaya ko ay naguguluhan din siya. I admit. I'm being selfish. Pero wala na akong pakialam!
"Teach me how to make love, Rafael."

Teach Me, Use MeWhere stories live. Discover now