Chapter 6.1

137 2 0
                                    

SPG

Muli ko pang tiningala ang sampung palapag na gusali. Napakabilis lang ng naging pag-uusap namin ng Procurement Senior Executive na si Mr. Zander Ramos. Parang tatay ko na siya at maraming alam patungkol sa organikong mga produkto. Tanggap na ako bilang Assistant niya. Simple lang ang trabaho. Kailangan ko lang makipag-coordinate sa mga namamahala sa mga magsasaka para sa mga kinakailangang hilaw na materyales sa planta nila. Hindi na kailangan na marunong akong magmaneho dahil may driver naman daw ang kumpanya. Subukan ko rin daw na matutong maghanap ng mga supplier.
Ang kumpanya ay mayroong libo-libong magsasaka sa buong Pilipinas at maging sa ibang bansa. Sila ang nakikipag-ugnayan para siguruhin na makalikha ng pinakamataas na kalidad ng taniman, pagkain, at iba pang mga organikong produkto. Tamang-tama sa pinag-aralan ko. Binigyan ako ni Sir Zander ng panahon upang maihanda ang mga dokumentong kailangan kong isumite. Napangiti ako dahil sa wakas ay may mapapasukan na ako.
Naghanap ako ng makakainan at bumili ng ilang pirasong damit para sa pagsisimula ko sa trabaho. Pag-uwi sa apartment ay tinawagan ko sina Tatay at Nanay. Maayos naman sila at nakatutulong si Acer para masinop ang mga maaari pang iburo o i-preserve at ibentang mga mangga. Hindi na talaga pumasok sa eskuwela si Acer. Huminto na siya at susubukan na lang ulit sa susunod na pasukan. Mag-iipon muna kami. Binanggit ko sa kanila ang magandang balita na mayroong kumpanyang tumanggap sa akin at ayon pa sa tinapos ko. Pero hindi ko binanggit na tinulungan ako ni Rafael.
Kilala ng pamilya ko si Rafael dahil kay Toby. Bukambibig ni Toby si Rafael at maraming beses na tumulong sila sa pagbabalot ng mga bagong tubong bunga at sa tuwing sasapit ang panahon na iha-harvest na namin ang mga ito. May panahon pa nga na muntik akong mabalian ng buto dahil sa pagkakadulas mula sa itaas ng puno habang namimitas at nahulog ako, pero agad akong nasalo ni Rafael. Sobrang kinabahan ako noon habang nakapatong ako sa kaniya. Napahiga kasi siya sa lupa at nadaganan ko. Ewan ko kung dahil ba sa pagkakahulog o dahil sa pagkakadaiti ng katawan ko sa kaniya kaya grabe ang naging kaba ko noon. Hindi naman na naulit iyon dahil palaging nasa tabi ko si Toby para alalayan ako.
Sinasabon ko ang katawan nang maalala ko ang marubdob na naging halikan namin ni Rafael. Pinuyat ako kagabi ng halik niyang iyon. Parang nadadama ko pa sa bibig ko ang lambot ng kaniyang labi...

Teach Me, Use MeWhere stories live. Discover now