Chapter 4.4

197 3 2
                                    

Nagmulat ako ng mga mata nang maramdaman kong may tumabing sa katawan ko.

"R-Rafael?" namamaos kong sabi. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sopa. Kinumutan pala niya ako. "Sorry, nakatulog ako rito."

Umupo si Rafael sa bandang paanan ko. Mukhang hindi na mainit ang ulo niya. Wala na ang guhit sa gitna ng kaniyang mga kilay.

"Bakit dito ka natulog? I have so many rooms here, Maze," aniya.
Humikab ako. "Hindi ko naman gustong matulog. Saka hindi ko bahay ito." Niyakap ko ang kumot na bigay niya. Malamig na ang paligid at madilim na rin sa labas. "Anong oras na? Kailangan ko nang umuwi, Rafael. Babalik na lang ako sa trabaho bukas."

Huminga siya nang malalim. "I already talk to Mrs. Bith. Pati na rin sina Lucas at Mang Fidel. I'm sorry, pero..." Matama niya akong tiningnan. "Hindi ka na papasok, Maze."

Gulat akong napasigaw, "Ano? Bakit?"

Umiwas siya ng tingin. "For your own good."

Suminghap ako. "At ano ang mabuti para sa akin?" naiinis na tanong ko.

"Listen," he said. Hinarap niya ako at seryosong tinitigan. "I don't want you here. Mahihirapan ka lang..."

Napatanga ako. Malabo ang pagkakaunawa ko sa kaniya. Ipapasok niya ako rito sa hotel niya pagkatapos ay tatanggalin din agad? Hindi ko pa napatutunayan ang kakayahan ko.

"Mabigat na gawain ang—"

"Kaya ko. Rafael, kaya ko!" pagtitiyak ko kay Rafael. "Inaakyat natin ang mga puno ng mangga sa probinsiya at kaing-kaing ang binubuhat ko kapag anihan..." Inilahad ko sa kaniya ang mga palad ko. "Tingnan mo. Kahit hawakan mo. Ang mga kalyong ito ang magpapatunay sa 'yo na kaya ko. Walang trabahong madali, Rafael."

Nabigla ako nang hawakan niya ang mga kamay ko. Gumuhit ang kuryente sa buo kong katawan.

"That's why I won't allow it..." bulong niya.

Hihimatayin yata ako nang dalhin niya ang isang kamay ko sa kaniyang labi. Hinalikan niya ang kamay ko habang titig na titig sa mga mata ko. "Ayaw kong nahihirapan ka, Maze. Hindi ko kaya..."

Teach Me, Use MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon