Chapter 6.2

144 3 1
                                    

SPG

God! I couldn't believe that I wanted him.
Sumagi ang mga daliri ko sa naninigas na ituktok sa dibdib ko. Nakikita ko si Rafael at ang kaniyang madilim na mga titig sa akin.
Bumaba ang isang kamay ko sa maselang bahagi ng aking katawan. Madulas ang pakiramdam ko. Iminulat ko ang mga mata at mabilis na nagbanlaw.
Wala akong karapatan sa mga naiisip ko. Hindi ito tama. Bakit tila pinagpapantasyahan ko si Rafael? Gusto kong hawakan niya ang katawan ko. Gusto kong tuparin niya ang mga sinabi ko.
Nagmadali akong nagtuyo ng katawan. Narinig kong tumunog ang cell phone. Mas binilisan ko ang pagbibihis. Maluwag na puting t-shirt at may kalumaang shorts na lang ang isinuot ko. Matutulog na rin naman ako maya-maya.
Sinagot ko kaagad ang tawag paglabas ko sa sala. "Hello?"
"Maze, I'm here outside your apartment..."
Muntik ko nang mabitiwan ang cell phone nang mabosesan ko si Rafael.
Hindi ko naman ibinigay ang numero ko sa kanya. Saka, dis-oras na ng gabi.
"T-Teka sandali lang. Bubuksan ko na," nagmamadali kong sabi.
Nawala sa linya si Rafael. Kanina pa ba siya sa labas? Pagbubuksan ko nga ba siya?
Lumipad ang mga paruparo sa sikmura ko. Gusto ko siyang umalis. Pero gusto ko rin siyang makita. Nagtatalo na naman ang isip ko.
Nagdesisyon akong pagbuksan siya pero hawak ko pa rin ang seradura at inilabas ang katawan. "Gabing-gabi na, Rafael," mahinang sabi ko. Baka maingayan ang mga katabing apartment na siguradong nagsisipagtulog na.
Dahil sa liwanag na nagmumula sa poste ng kuryente ay nasilayan ko na napatanga siya at pinamulahan ng pisngi. "Puwede ba tayong mag-usap?" tanong niya.
"Iyong tungkol ba sa ibinigay mong calling card? Okay na, Rafael. Maraming salamat sa 'yo dahil natanggap na 'ko. Dahil sa 'yo kaya—"
"Hindi iyon," putol niya sa akin. "Alam ko na 'yon. May iba pa." Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.
"A-Ano pa bang iba?" nagtatakang usisa ko.
Dumaan ang maingay na tricycle sa likuran niya. Kitang-kita ko ang dahan-dahan na paghinto ng tricycle. Tumingin sa amin ang driver. Nilingon iyon ni Rafael. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at itinulak ako papasok sa loob. Pumasok din siya. Naghurumentado ang puso ko. Lalo na nang ikandado niya ang pinto.
"T-Tinulak mo 'ko?" akusa ko sa kaniya.
"Sinadya ko iyon dahil masama ang tingin sa 'yo no'ng tricycle driver sa labas." Nakatiim-bagang siya. Halatang naiinis.
"Hindi naman, ah," pangangatuwiran ko. "Bakit naman niya ako titingnan ng masama?"
Pulang-pula ang leeg niya. Mapakla siyang tumawa. "Sa susunod na lalabas kang ganyan ang suot —I swear, Amayzel Dominguez— itatali talaga kita!" asik niya.
Nalaglag ang panga ko. Noon ko lamang naalala ang hitsura ko. Ni wala akong suot na bra sa loob ng manipis na t-shirt na suot ko.
Tinalikuran ko siya. "M-Magbibihis lang ako," nauutal na sabi ko saka mabilis na tinungo ang silid.

Teach Me, Use MeWhere stories live. Discover now