Chapter 2.2

253 5 0
                                    

NAPATINGIN ako sa mukha niya.

"What is this all about? Anong totoong ipinunta mo rito? Bakit ganyan ang suot mo?" mariin ang sunod-sunod niyang mga tanong.

Muling sumara ang elevator. Naalarma ako. Ayaw kong makulong dito na kasama siya.

"Hindi ka ganyan manamit..." Bumaba ang tingin niya sa katawan ko.

Ang init na nasa leeg ko kanina ay kumalat sa buo kong katawan. There was desire in his eyes. No. Nagsisinungaling ang mga mata niya. Imposible.

"G-Gusto kong hulihin ang atensiyon mo..." nag-aalangan kong sabi.

Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Ngayong nahuli mo na, bigla kang aalis?"

Napaatras ako nang humakbang siya palapit. "B-Busy ka pa. Marami ka pang ginagawa. Naiintindihan ko naman. Puwede naman akong bumalik sa ibang araw. Balikan mo na sila. Ikaw ang boss dito, 'di ba?" Pilit akong ngumiti para tampalin ang pagkataranta sa boses ko.

"Wala na 'kong babalikan doon..." aniya. Humakbang pa siya ng isa kaya napasandal na ako sa dingding. "Explain why you're here, Maze."

Muntik akong mapatalon nang dumapo ang mainit niyang palad sa braso ko. Nakapapaso at ramdam ko iyon kahit gaano pa kalamig dito. Nakatuon sa akin ang seryoso niyang mga mata. Nakahihipnotismo iyon. Ngayon lang ako naging ganito kalapit sa kaniya. His chocolate-brown eyes sparkled, and I couldn't take my gaze away from his slightly open lips.

Tumunog na naman ang elevator pero hindi siya gumalaw sa kaniyang kinatatayuan. Nakaangat pa rin ang tingin ko sa kaniya.

May ingay akong narinig. Iyon pala ay may mga empleyadong papasok dito. Kinabahan ako. Anong iisipin ng ibang tao sa ayos namin ni Rafael?

Napasinghap ang tatlong babae nang mamukhaan si Rafael. "Good afternoon, Mr. Monte Carlo," sabay-sabay na bati nila.

Doon pa lamang niya ako binitiwan at saka tumayo ng tuwid. Gusto kong hawakan ang dibdib ko para patahimikin pero nakatingin pa rin siya sa akin.

"Highest floor, please..." he said.

"Y-Yes, sir." Halos mataranta ang tatlong babae sa pagpindot habang halatang kinikilig at napapanganga pa sa pagtitig kay Rafael. Uminit bigla ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit.

"S-Sa lobby ako," sabi ko.

Ah! Kaya umiinit ang ulo ko ay dahil pababa ako pero umaakyat ang elevator. Hindi iinit ang ulo ko dahil lang may mga babaeng halos maglaway na kay Rafael.

Umiling lang si Rafael. Natahimik naman ako. Namayani ang katahimikan sa maliit na espasyo.

Bumaba ang tatlong babae at nagpaalam kay Rafael. Ngayon ko napatunayan kung gaano siya kaimportante at katayog sa lugar na ito. Malayong-malayo sa magbubukid na nakilala ko sa probinsiya. Pareho kaming tapos ng Business Agriculture. Itong propesyon niya ay ibang-iba sa kaniyang natapos. Good for him. Hindi na siya mag-aararo, hindi na magbubungkal ng lupa o mamimitas ng mga bunga ng mangga. Hindi na siya matutuklaw ng ahas sa tubuhan at hindi na niya mararanasan ang tumapak sa putikan.

Napakalaki siguro ng pasasalamat niya sa biyudang babaeng iyon. Parang biglang bumaligtad ang sikmura ko at gusto kong sumuka. Kating-kati ako na pindutin ang pababa sa lobby pero nakaharang ang katawan ni Rafael.

Teach Me, Use MeWhere stories live. Discover now