CHAPTER 5: PRACTICE

28 14 0
                                    

[SKYLAR]

"For today's schedule, practice subject at history ang subjects today."

Sabi ni Aqui. 'Di ko alam kung kanino o saan n'ya nalalaman 'yung mga subject for today and the next day.

"Oh, close kasi kami ni Ma'am Arlene kaya naitatanong ko sa kan'ya 'yung subjects, hehe."

"Sipsip naman." Pagsingit ni Kia.

"Atleast hindi lang ako, bleh." Agad namang natawa si Kia at Ivy.

Dumating na din sila Ice. Nasa canteen kami ngayon, dahil 7:30 AM pa lang at 8:00 AM pa naman ang start ng klase.

"Goodmorning guys!"

"Goodmorning din!"

Masiglang bati nila Aqui at Archie. They really have the same vibes.

"Kanina pa kayo dito?" Tanong ni Ice.

"Siguro mga 8-10 minutes na? Ang tagal n'yo, eh. 'Di ba dapat sabay-sabay tayo pupunta sa canteen?" Mainit na naman ulo ni Kia.

"I'm out of that. Nauna akong magising sa kanila." Sabi ni Ash. S'ya lang ba matured sa kanila? Parang mas responsible pa s'ya, noh?

"Hoy, responsable din ako! 'Di lang ako nagigising ng maaga, ok??" Ay, nabasa mo pala isip ko, haha. Sorry naman, bitch.

"Itahimik mo 'yang utak mo, bata." A-Ano??

"Pati height ko idadamay mo gano'n?!"

Hmph! Nakakaramdama ko na umiinit na ulo ko, shit.

"Kalma, kalma! Tinitingnan na kayo ng ibang estudyante dito, oh! Tsaka kumain na lang kayo, para kahit late sila nagising, bago pa rin tayo makakapasok, right??" Buti pa si Aqui, hindi katulad ng Kuya n'ya. How tragic, tsk.

"Oo na." Wala namang no choice si Ice, ang dami nang nakatingin sa amin. Nakakahiya ba o nakakairita? Dami namang chismoso't chismosa dito.

Umorder na kami ng pagkain. Mas lalo akong nagugutom kapag gan'to sitwasyon, eh. Pancake ulit inorder ko, pero with chocolate syrup at berries. Hmmm, sosyal 'di ba? Ta's hot chocolate milk ulit. Sarap kaya. Sweet and milky, mas masarap pa sa milo at bear brand. Charr.

After namin kumain, umakyat na kami ulit sa classroom namin at hinintay 'yung combat subject teacher namin kasi 7:54 pa lang naman.

Saktong 8:00 AM, nandito na 'yung teacher namin sa combat subject. And lalake na naman.

"Goodmorning students. Stand up." Hala may pa-stand up pang nalalaman. Kaya naman namin gawin 'yan kase may paa naman kami, 'di ba?

"I'm Martin Blaze, your combat subject teacher."

Agad naman kaming tumayo at nag-goodmorning. Tono pa lang ng boses mukhang strikto na, hayst.

Pero wait... Blaze 'yung surname n'ya? Just like Asher's?

"I know what you're thinking," Napalingon naman ako sa likod ko nang may bumulong. "Yeah, he's my Dad." Ah... Kaya siguro s'ya pinasok sa school na 'to kasi dito nagtuturo 'yung tatay n'ya. Galing naman ng instincts ni Ash. Enhanced vision 'yung ability n'ya right? Pero alam n'ya pa rin 'yung nasa isip ko. Maybe because I'm also his friend kaya alam n'ya ang magiging reaction ko as a new comer here.

"Pupunta na tayo sa gymnasium. Pumila na kayo, bilis." Hala napakastrikto naman ng tatay mi Ash. 'Di ko kakayaning mabuhay kapag gan'yan magulang ko.

Pumila na kami, katulad lang ng pila nung nagschool tour. Pero hindi namin kasama 'yung Novice section. Baka mahiya kasi malakas kami. Charot. Yabang ko noh? Minsan lang, haha.

Star AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon