Huwag Kang Mangulila

41 1 0
                                    

Huwag kang mangulila o masabik sa akin mahal
Dahil lamang sa iyong tabi ako'y di magtatagal
Ngunit dito sa puso ko di ka kailanman matatanggal
Kaya kahit saan man ako magtatanghal
Ika'y kasama ko kahit saan

Huwag kang malungkot sa aking paglisan
Sapagkat sa puso ko nakaukit ang iyong pangalan
Huwag kang magdamdam dahil ika'y aking pinaglihiman
Hindi ko kagustuhan na sa iyong tabi ako'y lilisan.

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon