Hiling

76 5 0
                                    

Hiling

Isang ngiti lamang mahal ko
Ang nais kong igawad mo
Bago ako tuluyang mawala sa iyo
Ito'y aking babaunin sa lugar na alam kong wala ang salitang tayo

Mahal ko bago ko
Tuluyang ipikit habang buhay ang mga mata ko
May hihilingin lamang ako sa iyo
Sana ito'y dinggin mo

Ito na at nais kong makinig ka sa sasabihin ko
Maaari bang sa oras na mamaalam ako sa mundong ito
Huwag kang kakapit sa relasyong mayroon tayo
At humanap ka ng taong makakasama mo

Nais ko lamang makita kang lumigaya
Kasama ang babaeng sa iyo'y itinakda
Salamat at ika'y aking nakilala
Sa sandali ng aking buhay ako'y naging masaya

Words From My Heart ( Mga Salitang Galing Sa Aking Puso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon