PART ONE

2 1 0
                                    

[EMBER]

RAMDAM ko ang lambot ng mga damo sa aking paa habang naglilibot sa kakahuyan. Alam kong panahon na ng tagsibol dahil sa mga ligaw na bulaklak sa paligid. Kahit saan ako tumingin ay tila napapalibutan ako ng maraming mga puno at halaman.

Sumasabay sa ganda ng paligid ang mga tunog na nililikha ng mga ibon mula sa matataas na mga punong kahoy.

Ngayon lang uli ako nakalabas dito kaya talagang binusog ko ang mga mata at pandinig ko sa mga nakikita sa paligid. Hindi ko alam kung kailan pa uli ako makakabalik dito sa labas. Siguro sa susunod pa uli na tagsibol.

That would be roughly a year away. Nakagat ko ang ibabang labi nang maisip iyon.

Huminto ako nang may mahagip ang aking paningin sa paligid. I walked closer to identify what I saw. Wild berries! And they’re everywhere! Kumalam kaagad ang aking sikmura dahil mukha itong matamis.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya pumitas na ako ng isa nitong mapula na bunga at akma ko na sana itong isusubo ngunit isang marahas na kamay ang mabilis na pumigil sa’kin.

Kunot ang aking noo nang lingunin ang may-ari nitong kamay.

“Same shades, but you can't trust anything you see or touch here,” untag ng malamig na boses ng lalaki. Matalim ang kaniyang tingin at wala akong ibang makitang emosyon doon.

Sometimes, I couldn’t help but think whether his apparent coldness, which I can sense even through the gloves I wear, renders him devoid of any emotion.

But his outward look. . . mukha pa nga siyang anghel dahil sa puro kulay abo niyang buhok na halos tumatakip sa kaniyang mga makakapal na kilay.

“B-bakit?” gulat kong tanong sa kaniya. Gusto kong isipin na nagbibiro lang siya, but I’ve known Frost for almost my whole life in this sanctuary, and one thing’s for sure--- he’s not really one to crack jokes.

His name pretty much sums up his personality.

“Just drop it.”

“B-but I’m hungry---”

“Drop it or drop dead.”

Bumaba ang kaniyang tingin sa paanan namin kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin ngayon. I felt a bit taken aback upon spotting a lifeless bird lying on the ground.

Nilalanggam na nga rin iyon kaya agad kong tinapon ang inakala kong matamis na berry na pinitas ko. That was close!
   
“S-salamat. . .” Bumalik sa akin ang blangkong atensyon ni Frost nang minuni ko iyon at ibinulsa lang ang mga kamay niya sa kaniyang suot na puting pajama.

He’s dressed in a plain white shirt and pajamas from the facility, while I’m wearing a similar white dress like the other girls here.

This is one of the protocols they have in this place. Ngunit wala kaming mga sapatos o kahit anong saplot sa aming mga paa. Sanay na rin naman ako kaya napangiwi na lang ako.

Frost always follows me around. Puwede naman siyang makihalubilo sa ibang mga Submits na nandito ngayon sa labas, pero sa akin lang talaga siya dumidikit. As far as I know, we’re not even friends. . .  dahil hindi ko alam kung iyon ba talaga ang turing niya sa akin mula nang magkakilala kami sa Testee Quarter.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Submission To The Wildfire's FuryWhere stories live. Discover now