Chapter 4

2.8K 166 27
                                    

Chapter 4
"Mature"

"Just relax," the medical staff says and smiles at me. Ikinabit niya ang cuff sa'kin. She's checking my blood pressure for the second time. Pinagpahinga muna ako bago inulit.

Habang ginagawa niya iyon, hindi ko naman mapagilang mahulog sa malalim na pag-iisip. Ham's standing across me. Tutok siya sa ginagawa sa akin habang naka-krus ang matipunong braso sa dibdib.

Noong nakaraan, sa after party ng event ng Paraluman, sinabi ko sa sarili kong baka iyon na ang huli naming pagkikita. But look, dito, nagkita ulit kami. Hindi pa nga nag-iisang buwan. If something like this has happened way way back ago, kung saan saan na malamang pinadpad ang imahinasyon ko. I would not call it coincidence. I want to call it destiny. And it sounds silly and funny to me now that I have aged a bit. Masyadong mababaw ang mga pananaw ko noon. But back then, life for me was simpler, though.

I guess being delusional is part of being young. Hindi ba napakalawak ng imahinasyon kapag bata pa?

"Okay, you're good to go."

Finally.

Ngumiti ako at tumayo. "Thank you."

"No problem," ani ng staff na nag-asikaso sa'kin.

"Kinabahan ako ro'n," napabuga ng hangin si Lita.

"I thought we'll be dead." Nakahinga rin ng maluwag si Carmi.

Nakalabas na kami ng stadium. Naglalakad na sa parking lot. May dala silang kotse. Doon kami papunta, kung sa'n 'to naka-park.

Pepper's beside me. Magkasabay kaming naglalakad. Nauuna si Ham. He is leading the way.

Ham unlocks the doors when we are nearing the car. Binuksan niya ang pinto sa backseat. Tumulong na rin ako. I opened the passenger seat para kay Pepper. Kaya lang umiling siya.

"No, I'm not allowed to sit in front," sabi niya.

I frowned. Before I can say something pumasok na siya sa backseat. Pagsilip ko roon nakaupo na rin sila Lita at Carmi.

Sa harap ako? Napatingin ako kay Ham, may pagtatanong sa mukha ko. He did not say a word. Pumasok na rin siya at umupo sa driver's seat. Hesitant but lacks a choice, I slide in. Umayos ako ng upo. Kinapa ko ang seatbelt at wala sa sariling ikinabit 'yon.

Agad namang nagsabi si Pepper kung saan at ano ang gusto niyang kainin. Wetting my lip with the tip of my tongue, I tried to relax in my seat. Diretso ang tingin ko.

"Are you fine with it?"

"Huh?" Matigas na bumaling ang leeg ko sa side ni Ham.

"Are you allowed to eat fastfood?" Seryosong seryoso ang tingin niya.

"Oo." I struggled a bit, medyo nagulat sa pagtatanong niya. "Oo naman."

"Isn't it unhealthy for you?"

"Minsan lang... at konti lang."

Ilang saglit bago siya kumilos at pinatakbo ang kotse. Naririnig ko ang pag-uusap nilang tatlo sa likod tungkol sa mga nangyari sa concert. Gusto ko sanang makisali pero hindi ko alam paano. Napayakap na lang tuloy ako sa mga braso ko habang patingin tingin sa labas ng bintana. Mabagal kasi ang andar dahil maraming mga sasakyan dahil sa nagsisiuwiang concert goers.

"Are you cold?" I heard Ham asked.

Is he asking me? Paglingon ko, sumulyap siya sa akin.

"Should I adjust the aircon?"

"No. This is fine."

Nagtaas siya ng kilay. Dahan-dahan ko namang pinadulas pababa ang mga kamay na nakahawak sa braso. Ipinirmi ko sa hita ko.

Get Through the Night (ACATN Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon