CDII

1.1K 102 10
                                    


INT. KITCHEN - EVENING

6:32 p.m.

MARTY
Bakit?



HARLEY
Kasi halos 2 years din tayong hindi nagkita?



MARTY
Okay . . . p'wede din ba ako magtanong?


HARLEY
Sige lang. Ano 'yon?



MARTY
Sinasabi mo ba sa akin 'yan casually as a part of your personality, or nagse-send ka ba sa akin ng mixed signal? Miss mo ba ako kasi hindi tayo nagkita? Miss mo ako as a friend? O miss mo ako dahil . . .



HARLEY
Dahil?



MARTY
'Wag mo pala muna sagutin.



HARLEY
Bakit naman?



MARTY
Kasi ayaw ko mag-isip. 'Wag mo muna ako sabihan ng mga gan'yan kung okay lang? Kasi pumunta ako dito para magpahinga. Ayaw ko muna mag-isip. Hindi pa ako ready.



HARLEY
Okay. Pero p'wede ba natin pag-usapan sa susunod?




MARTY
Bakit?



HARLEY
Anong bakit?



MARTY
Matagal naman na kasi 'yon kaya hindi ko gets . . .


HARLEY
Importante kasi sa akin. Kaya tinatanong ko. Hindi ko nagawa dati kasi hindi ko alam kung p'wede ba ako magtanong sa 'yo. Ikaw din mismo nagsabi no'n na hindi tayo magkaibigan, tapos pinahinto mo rin ako kaya hindi ko alam kung p'wede ba ako magtanong, bukod na rin do'n sa part na akala ko may boyfriend ka.



MARTY
Ah . . .



HARLEY
Okay lang ba? Kung pag-usapan natin sa susunod kung sakaling okay ka na rin? Hindi ko naman ipipilit.




Marty nodded.


MARTY
Sige, next time.



HARLEY
Promise?




MARTY
Promise.



Harley smiled.




HARLEY
Ilalagay ko na ba sa oven 'yang soup? O ito-torch mo 'tong cheese sa ibabaw?



MARTY
Oven. Ikaw din kumuha mamaya, please?




HARLEY
Okay.

Fool Again (Love in Paris # 7)Where stories live. Discover now