CXCV

1.2K 110 91
                                    


[Messenger]

winnie

7:31 p.m.

Harley
Bakit ang bilis talaga ng oras
Gabi na naman

Winnie
Hahahahahahaha
Ganon talaga

Harley
Ayoko pang umuwi


Winnie
Wala na tayong magagawa dyan my friend



Harley
Pero alam mo ang saya ko



Winnie
Aba syempre
Sino ba naman di sasaya ka-date mo crush mo eh


Harley
Hahahahaha pero ano, di lang naman yun
Nakakatuwa kasi nag eenjoy talaga siya kahit baka ang boring kong kasama

Harley
Pero nagtatampisaw lang kami sa may dagat kanina tapos nagbaon din pala siya ng card games kaya nung palubog na yung araw, naglalaro lang kami sa may buhanginan, nagbaon pa siya ng banig


Winnie
Cute niyo ano ba
Tama ka na nga
Naiinggit na yung tao dito eh

Harley
Hahahahaha sorry sorry

Winnie
San na pala si Marty ngayon?
Bat mo ko dinadaldal?

Harley
Naliligo sa cr
Pauwi na rin kasi kami
Para di siya abutin ng madaling araw
Baka mapagalitan din kami ni tito chigo eh

Winnie
Ahh okay okay

Harley
Tapos ano nagulat din pala ako kanina



Winnie
Bakit 👀


Harley
Niyakap niya ako
Di ko alam para saan
Pero yumakap na lang din siya tapos sinali niya yung mga bubuyog na plushie hahahaha sabi niya group hug daw

Winnie
MAY PAGANON


Harley
😅😅

Winnie
GRABE NA KAYO HA


Harley
Hahahahaha

Winnie
PERO BAKIT FEELING KO ANO


Harley
Ano?


Winnie
NA GUSTO KA RIN NI MARTIANA


Harley
Bakit naman?


Winnie
ALAM MO NAMAN PANO SIYA DIBA?
Napaka maldita sa lahat
Sayo lang ata naglalambing yan


Harley
Pero ganun din naman siya kila maddie at uly


Winnie
E malamang close silang magkakapatid!
Pero bukod sa kanila sayo lang din ata siya ganyan


Harley
Hindi ko alam


Winnie
Kakausapin mo na ba?


Harley
Sa susunod na araw siguro
Gusto ko lang enjoyin ngayon


Winnie
SIGE


Harley
Winnie alam mo ba


Winnie
Ano?

Harley
Gustong gustong gustong gusto ko talaga siya


Winnie
Alam ko
Obvious naman sayo

[Twitter]

🐝🔒 @martea
Ito na naman tayo

🐝🔒 @martea
Ayoko pang umuwi 😔

Fool Again (Love in Paris # 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon