CD

1.3K 115 28
                                    


INT. KITCHEN - EVENING

6:28 p.m.

MARTY
Bakit?


HARLEY
Kung sakaling kailangan mo lang ng kasama.


MARTY
Ah . . . okay.


HARLEY
Ano pa lang gagawin dito sa baguette? May kailangan pa akong hiwain?


MARTY
P'wede bang pag-isipan ko muna? 'Yong sa tanong mo.



HARLEY
Oo. Sige lang.


MARTY
Ako na lang din d'yan sa baguette after nitong soup.


HARLEY
Sige. Message mo na lang pala ako bukas kung sakali. Malapit lang naman 'yong hotel namin dito.



MARTY
Okay.


HARLEY
Marty?


MARTY
Bakit?


HARLEY
Thank you.


MARTY
Para saan?


HARLEY
Kasi pumayag ka kanina. Naaalala ko lang kasi no'ng pag-alis ko, busy ka rin ata.


MARTY
Ah . . .


HARLEY
Nabigay ba ni Uly sa 'yo 'yong paper bag?



MARTY
Oo.


HARLEY
Nagamit mo ba 'yong mga reviewer do'n? Sana useful din kahit papaano.



MARTY
Hindi, e. Hindi ko tiningnan 'yong nasa loob ng paper bag. Sorry.



HARLEY
Bakit?


Marty shrugged.



MARTY
Hindi ko alam.


HARLEY
P'wede ba ako magtanong?


MARTY
Ano 'yon?


HARLEY
Kasi hindi ka rin nag-reply sa akin no'n. Inisip ko lang talaga na busy ka. Pero hindi ka ba nag-reply kasi ayaw mo akong makita?


MARTY
Oo.


HARLEY
Bakit?


MARTY
Matagal naman na 'yon.



HARLEY
Gusto ko pa ring malaman.


MARTY
Ikaw.


HARLEY
Ako?


MARTY
Hindi mo kasi ako kinausap. Inisip ko na lang na ayaw mo sa 'kin.


HARLEY
Ayaw ko sa 'yo?


MARTY
Hindi mo nga kasi ako kinausap.



HARLEY
'Yan ba 'yong pumunta tayo sa Fort Santiago? Nasabi ko naman sa 'yo 'yon kung bakit.




MARTY
'Di ko na binasa. Pero hayaan mo na. Dati naman na 'yon. Okay na ako.



HARLEY
Ako hindi.

Fool Again (Love in Paris # 7)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें