CLXXVIII

1.4K 118 67
                                    


[Messenger]

Winnie

2:49 a.m.

Harley
Winnie alam ko baka tulog ka na pero kasi kanina ko pa sinusubukan pumikit pero wala talaga ako ibang maisip kaya sasabihin ko na lang muna dito

Harley
Sorry kung ganitong oras ako nagmessage 🥲

Harley
Pero nag usap kasi kami kanina kahit siya lang talaga nagsalita

Harley
Naka dalawang ulit kasi siya sakin ng "as a friend" tapos akala ata niya kahit sa inyo ganun ako sa lahat kahit sa kanya lang talaga. Hindi naman ako umaakbay sa inyo, tumutulong lang ako kapag nabibigatan kayo sa gamit o kapag kayo mismo nagpatulong sakin pero ni minsan di ko naman kayo niyakap o ano. Akala niya ganon ako sa lahat

Harley
Sana pala di ko rin sinabi na gusto ko si Maddie noon
Sinabi niya rin yon kanina sakin na sure naman daw siyang as a friend lang ginawa ko kasi ate niya yung gusto ko tapos okay lang daw, gets niya. Di ko na kailangan mag explain.

Harley
Siguro ganon lang din ako para sa kanya kaya napaatras din ako. Sasabihin ko na sana pero naisip ko na baka umayaw din siya kasi ilang beses niya rin diniin sakin na pang kaibigan lang daw

Harley
Nung umamin ako kay Maddie dati parang ayos lang naman sakin nung tinanggihan niya ako tapos sinabi niya rin talaga na hanggang friends lang kasi nga si gabbie gusto niya

Harley
Di naman mabigat pakiramdam ko non

Harley
Pero kay Marty ewan ko
Parang hindi ko kaya yun kapag sa kanya

Harley
Wala pa siyang sinasabi sakin pero ang sakit agad sa dibdib

Harley
Ang bigat talaga sa pakiramdam
Di ako makatulog

Fool Again (Love in Paris # 7)Where stories live. Discover now