Kinaumagahan, paggising ko ay wala na sa higaan niya si Caila. Maayos na rin ang kama niya.

Bumangon na rin ako at inayos rin ang higaan ko at pagkatapos ay nag-ayos ng sarili.

Pagkaraan ay lumabas na ako ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Wala ring tao sa sala kaya pumunta ako sa kusina ngunit wala ring tao roon.

Naglakad ako palabas ng bahay at agad kong narinig ang tawanan ni Caila at Jack Jendrick sa maliit na canteen. Sinabi niya kaya kay Jack Jendrick ang pinag-usapan namin kagabi?

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanila at agad na huminto ang tawanan nilang dalawa nang makita nila ako.

"Good morning, Ki." Nakangiting bati ni Jack Jendrick at hindi ko alam kung ngingiti rin ba ako o iiwas na lang. Tiningnan ko si Caila na nakatingin din sa akin.

"G-good m-morning." Nauutal kong sabi at pilit na ngumiti sa kanilang dalawa.

"Teka, gusto mo ba ng gatas?" Tanong ni Jack Jendrick at agad na tumayo na ikinataranta ko.

"H-hindi. Kaya ko na mag timpla. Salamat." Mabilis kong sabi at mabilis na umalis sa harapan nilang dalawa.

Pumunta ako kay Kuya Edward na abala sa pagluto ng itlog at naririnig ko pang nagmumura dahil tumatalsik ang mantika.

Kumuha ako ng baso at naghanap ng kape na puwede kong timplahin. Hindi ako sanay uminom ng gatas at mas gusto ko pa ang kape.

Nang may nakita aking twin pack sa lamesa ay agad kong kinuha iyon at nag timpla.

Nang matapos ay umupo ako sa upuan at ipinatong ang kape ko sa mesa. At nagsisisi ako dahil kitang kita ko mula sa inuupuan ko kung gaano kasaya si Jack Jendrick habang kausap si Caila. Halatang komportable siya kapag kasama ang babae.

At napaiwas ako ng tingin nang tumayo silang dalawa at naglakad papalapit sa inuupuan ko kaya napaayos ako ng upo at uminom ng kape.

"Ed, hindi pa ba tapos 'yan?" Tanong ni Jack Jendrick kay kuya.

"Gago, uuwi yata akong maraming sugat dito." Reklamo ni kuya habang nagluluto. Tumawa lang si Jack Jendrick at umupo sa tabi ko habang nasa harapan namin si Caila.

"Nagkakape ka pala, Ki?" Tanong niya nang makita niya ang baso ko.

"O-oo. Mas sanay akong uminom ng kape." Sagot ko. Tiningnan ko si Caila at ngumiti lang siya sa akin.

Mukhang wala namang alam si Jack Jendrick tungkol sa napag-usapan namin ni Caila kagabi. Baka nga hindi niya sinabi.

"Kiera, pagkatapos natin kumain mamaya mag swimming tayo. Kalilinis lang daw ng pool." Pag-aaya ni Caila sa akin.

"S-sige." Sagot ko at uminom ulit ng kape. Sakto at may dala akong pang palit kaya walang problema.

"Good morning mga anak!" Masayang bati ni Tita Jacqueline at nasa tabi niya si Tito Ricky na nakangiti rin sa amin.

Isa-isa rin kaming bumati sa kanila at may inilapag na mga pagkain sa lamesa.

"Pasensiya na at itlog lang ang natirang ulam sa ref kaya maaga kaming umalis kanina para bumili ng umagahan natin." Sabi niya at isa isang binuksan ang mga pagkaing binili nila.

Tumulong na rin si Caila sa pagbukas at tutulong na rin sana ako nang magsalita siya.

"Umupo ka lang diyan, hija. Kami na ng Ate Caila mo ang bahala." Nakangiting sabi niya at nagpatuloy sa pag bukas ng mga pagkain.

"Luto na rin po itong itlog, Tita." Sabi ni Kuya Edward habang dala ang isang pinggan na itlog.

"Salamat, Edward. Let's eat." Sabi ni Tita Jacqueline at kumuha ng plato. Isa-isa kaming binigyan at hindi na rin umalis si Jack Jendrick sa tabi ko kaya hindi ako makagalaw nang maayos. Kaya pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay agad na rin akong kumain.

Nang matapos ang umagahan namin ay agad na ring nag-aya na umuwi si Tito Ricky at may pupuntahan pa siyang importanteng meeting. Kaya ang balak namin ni Caila na swimming sana ay hindi na rin natuloy.

Bumalik kami sa bahay upang ayusin na ang mga gamit namin. Nang matapos ay lumabas na rin ako ng bahay habang dala-dala ang gamit ko.

"Akin na 'yan, Ki. Ilalagay ko sa likod ng kotse." Sabi ni Jack Jendrick nang salubungin niya ako.

"K-kaya ko naman. Ako na. Salamat." Turan ko at naglakad na patungo sa likod ng kotse at agad na nilagay roon ang gamit ko. Pagkaraan ay sumakay na ako sa kotse niya sa back seat. Hindi ko alam kung hanggang saan ba 'tong pag-iiwas ko. Hindi ko alam kung makakaya ko ba.

Ilang sandali pa ang hinintay ko nang bumukas ang pinto sa front seat at driver's seat at pumasok doon si Kuya Edward at si Jack Jendrick. Ngunit nagulat ako nang bumukas rin ang back seat at nakita ko si Caila na pumasok.

"Sasama ka?" Gulat kong tanong sa kaniya. At halatang nagulat din siya sa naging tanong ko kaya napahinto siya sa pag pasok.

"Oo. Bakit?" Nagtataka niyang tanong.

Agad akong umiling at umayos ng upo. "Wala."

"Okay na ba? Wala na kayong nakalimutan?" Tanong ni Jack Jendrick. Nang walang sumagot ay agad ng umandar ang kotse habang nakasunod sa likod namin ang kotse ni Tita Jacqueline at Tito Ricky.

Tahimik kami sa biyahe at nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse.

"May matutulugan ba ako sa bahay niyo, Jack?" Biglang tanong ni Caila kaya pati ako ay napatingin sa kaniya dahil sa tanong niya.

"Oo naman. Maraming kuwarto sa bahay." Natatawang turan ni Jack Jendrick habang nagmamaneho.

Ibig sabihin pupunta siya sa bahay nina Jack Jendrick? At matutulog pa siya roon.

Tumingin siya sa akin at ngumiti at hindi ko alam ngunit naaasar ako sa ngiti niyang iyon. May gusto rin ba siya kay Jack Jendrick?

Hindi ko na lang siya pinansin at ibinalik ko na lang ang paningin ko sa labas.

Mabilis lang ang naging biyahe namin at hinatid muna kami ni Jack Jendrick sa bahay.

"Salamat, Jack. Ingat kayo." Sabi ni Kuya Edward.

"No problem, Ed. Bye, Ki." Paalam ni Jack Jendrick at kumaway sa akin. Pilit akong ngumiti at kumaway rin. Lumipat din si Caila sa front na mas ikinainis ko.

Nang tuluyan nang umalis ang kotse ni Jack Jendrick ay kaniya-kaniya kaming buhat ni Kuya Edward ng mga gamit namin.

"Kuya, hindi ka ba pupunta kila Jendrick?" Tanong ko nang makapasok kami sa loob ng bahay. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin habang naka kunot ang noo.

"Kahahatid lang niya sa atin, Ki. Tapos pupunta ako roon sa kanila? E 'di sana sumama na lang ako sa kanila kanina, 'di ba?" Masungit na sabi niya at daig pa may buwanang dalaw. 

"Sabi ko nga." Sagot ko at mabilis na umakyat ng hagdan patungo sa kuwarto ko.


Kinabukasan habang bumibiyahe kami ni Kuya Edward papunta sa school napansin kong hindi siya madaldal. Kapag gantong hinahatid niya ako ay palagi siyang may sinasabi sa akin ngunit ang tahimik niya ngayon at naninibago ako sa kaniya.

"Kuya, okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong at inilagay ko ang aking palad sa noo niya na ikinakunot ng noo niya.

"Wala ka namang lagnat," sabi ko.

"Bakit bawal bang tumahimik?" Tanong niya.

"Hindi naman. Pero nakakapanibago ka kasi." Sagot ko. Tiningnan lang niya ako saglit at bumalik din agad ang tingin niya sa kalsada.

Nang makarating kami sa labas ng gate ng school ay agad na akong nagpaalam sa kaniya at lumabas ng kotse.

"Bye." Paalam ko. Tumango lang siya at agad na pinaandar muli ang sasakyan.



•••••

Thank you for reading!

Miss_Terious02

Be My Endgame Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon