Chapter 33

3 0 0
                                    

NAIYAH's POV

"H-ha?" wala sa sariling tanong ko.

Tama ba ang pagkakarinig ko?

"Sabi ko I like you. Naiyah, I like you-" hindi niya natapos ang sinasabi niya nang agad kong takpan ang buong mukha niya gamit ang dalawang kamay ko. Hindi ko naman sadya na sungalngalin siya, nabigla lang ako hehe.

Agad ko rin namang inalis ang mga kamay ko sa mukha niya.

"N-narinig na kita, 'wag mo na ulitin, baka may makarinig sayo," nahihiya at utal-utal kong sabi. Tumingin pa ako sa paligid, sinisiguradong walang nakakarinig at nakakakita sa amin.

"Don't worry, no one's here besides us," he laughed. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha kong nangangamatis sa pula kaya naman bahagya ko siyang hinampas sa braso at iniwan siya doon.

"Naiyah, you're just gonna leave me here?" Dinig ko pang sabi niya kaya't napatigil ako sa paglalakad.

"Bigla-bigla ka kasing nagcoconfess diyan! Like out of nowhere?!" Bulyaw ko.

"Okay, I'm sorry, but can we talk?"

"P-pwede, pero 'wag dito! Baka mamaya mahuli tayo dito,"

"Bakit? It's not like we're doing anything wrong," sabi niya pa at marahang hinawakan ang braso ko dahilan para mapalapit kaming dalawa sa isa't isa.

"A-ano bang gusto mong sabihin? Alam mo naman na hindi t-tayo pwede," utal kong sabi.

"I know, I'm letting my feelings go. I hate myself for doing this but I think I need to give time for myself. I want to keep my distance and you might find me treating you different than what I used to. I-I'm sorry, hindi ko ginustong dumagdag pa sa problema mo-" mahaba niyang sabi pero pinutol ang pagsasalita niya.

"Bakit?"

"H-huh?"

"Bakit ka iiwas?" Malungkot kong tanong.

"E-eh siyempre! Hindi tayo pwede, ayoko namang humadlang sa mga pangarap mo, ayoko ring maging pabigat sa'yo. Naiyah, I'm not worth it." Sabi niya at hindi ko naman napigilan ang sarili kong hampasin siya sa braso dahil sa inis. "Ouch, bakit?"

"Gusto mo'ko diba?! Bakit hindi mo ako ipagalaban?!" Inis kong sabi sa kaniya, nagsimula na ring pumatak ang mga traydor kong luha.

Pa'no ba naman kasi. Hindi pa nga niya tinatanong kung gusto ko rin ba siya tapos susuko na kaagad siya. Hindi niya alam kung gaano katagal ko siyang hinintay na magconfess tapos ngayon iiwas siya agad nang hindi nalalaman kung anong nararamdaman ko. Nakakainis kaya!

"Naiyah, I can't make you quit your dreams-"

"Ikaw ang pangarap ko!" I yelled and burst into tears even more. Hindi rin siya nakapagsalita at halata sa mukha niya ang pagkagulat. "I'm willing to quit being Gallant if that means to be with you, I've never dreamed of being like one anyway."

"P-paano ka? Paano kung mahuli tayo? Paano kung hindi tayo magwork?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Papayag ka ba na hindi tayo magwork?"

"H-hindi! I'm willing to do everything for you, I'd give you the world if you want to!"

Hinawakan ko ang mga pisngi niya at pinunasan ang luha niya gamit ang daliri ko. "Jacob, I like you- ay mali, I love you na pala."

"I love you most. Will you be my woman?"

"Grabe! Ang tagal kong hinintay na tanungin mo ako niyan, I can't believe it's happening now!" Pabiro kong sabi at natawa naman siya. The laugh that makes my heart beats abnormally fast.

Break Your Rules (Universe Series #1)Where stories live. Discover now