Chapter 23

2 1 0
                                    

ATHENA's POV

"Ay anak ng tupa!" wala sa sariling banggit ko nang matisod ako sa malaking bato, nakakita ako ng bench na malapit kaya naman umupo ako doon para hilutin ang paa kong nasaktan sa bato. Narito ako ngayon sa garden para mag-ikot saglit, I need to unwind. Sobrang stressful ng buhay ko nitong mga nakaraang araw. 

Una ay 'yung nangyari kay Sofia na okay naman na ngayon. Sumunod ay yung walang tigil na pagpapractice ko para sa sparring namin sa Swordmanship dahil magkakaroon kami ng evaluation sa subject na 'yon. Tapos hindi ako makapagfocus sa pagrereview para sa mga quizzes and exams na paparating dahil hindi umaalis si Saiden sa utak ko. At si Saiden... 

Si Saiden na wala akong choice kundi iwasan, he's the reason why I'm distracted right now. That's another reason to avoid him. Alam ko ang nararamdaman ko, iba na 'to at alam kong hindi pwede 'to. I can't disappoint my parents, they trusted me and I can't throw away my dreams just because of a man.

Habang hinihilot ko ang paa ko, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga traydor kong luha. I tried to wipe it off but it didn't take me long to shed into tears. I'm scared. I don't know what's ahead of me, and I'm terrified of what's about to come. If I fail and got exposed, I might be arrested or get exiled, just like my parents.

Hindi ko alam kung mawawala ba 'tong nararamdaman ko but there's nothing else I can do. I don't know how long it will take me pero haharapin ko na lang si Saiden kapag handa na ako, kapag wala na akong nararamdaman para sa kaniya.

"Tamang desisyon, Athena. Tatlong araw mo na siyang naiiwasan at so far so good naman, sisiw lang ang ilang buwan sayo. Matapang, matikas, at malakas ka. 'Wag mong hahayaang madurog ka nang dahil lang sa matatamis na salita ng isang lalaki. Tama, hindi worth it," I said as I wipe off my tears. I tapped my own shoulders to comfort and cheer myself up.

"Eh paano kung hindi mawala 'yung feelings ko? Ano na lang ang sasabihin sa akin nila Mama? Pati si Sofia madidisappoint din sakin dahil mataas ang tingin niya sa akin, ayokong pumalyaaa," I said and I burst out crying again. I cried as loud as I can, I know no one will see me here dahil I made sure na nasa dulo ako ng garden kung saan mayayabong ang mga puno at halaman, gabi na rin kaya't bilang lang sa daliri ang taong nasa labas ngayon.

"Athena? Ikaw ba 'yan?" dinig kong tanong niya. Boses pa lang ay kilala ko na, ito ang boses na dahilan kung bakit ako nagdurusa ngayon. Dahil sa gulat ay agad akong napatalikod sa gawi niya para hindi niya makita ang mukha kong magang-maga sa pag-iyak. Kakasabi ko lang e!

"Anong ginagawa mo dito?" I asked without facing him, I wiped my face and made sure that I'm ready to face him. Kung wala lang ako dito sa corner, baka kanina ko pa 'to tinakbuhan. Kaso wala e, nasa dulo kami ng garden.

"Athena, I know you're avoiding me and you probably don't want to talk to me right now. There must be a reason behind all of this and I don't know how much important this is to you pero, Athena, can I at least know why? You're here avoiding me for days and I don't have any idea why, do you know how much I'm suffering? This avoiding thing is driving me insane and I don't know what to do. I don't know if it's something I did wrong or did I make you upset in any way-" tuloy tuloy niyang sabi, hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong magsalita kaya't pinutol ko siya. Tumayo ako para harapin siya, wala na akong pakialam kung makita niya ang mga luha ko, ang gusto ko lang ay ang makaalis dito.

"No. Wala kang ginawa. It's not you, Saiden. It's my problem, I'm the problem." kabadong sabi ko. Napabuntong-hininga ako nang masabi ko ang mga katagang 'yon. I saw his face flustered, I guess he didn't expect to see me cry.

"Y-you're crying," sambit niya, nagtangka pang punasan ang luha ko pero iniwasan ko ito at tinabig lang ang kamay niya.

"I know. Kasi nahihirapan ako, Saiden." I said, coldly. I can't be too soft around him, gusto kong isipin niyang matapang ako at kaya ko ang sarili ko, dahil 'yun ang totoo. Hindi ko siya kailangan.

Break Your Rules (Universe Series #1)Where stories live. Discover now